Mateo 12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Katanungan tungkol sa Sabbath(A)
12 Sa pagkakataong iyon ay bumagtas sina Jesus sa bukirin ng mga trigo nang araw ng Sabbath. Inabot ng gutom ang kanyang mga alagad at sila'y nagsimulang mamitas ng mga uhay at kumain. 2 Subalit nang ito'y makita ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, ang mga alagad mo'y gumagawa ng ipinagbabawal sa araw ng Sabbath.” 3 Sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa kung ano ang ginawa ni David nang siya at ang kanyang mga kasamahan ay nagutom? 4 Hindi ba't pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na ihinandog, na hindi nararapat ayon sa batas na kainin niya o ng mga kasamahan niya, kundi iyon ay para sa mga pari lamang? 5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabbath ang mga pari sa loob ng templo ay hindi nagpapasaklaw sa Sabbath, subalit hindi sila itinuturing na nagkasala? 6 Ngunit sinasabi ko sa inyo, narito ang isang higit na dakila kaysa templo. 7 Kung alam lamang ninyo ang ibig sabihin nito: ‘Ang nais ko ay habag, at hindi handog,’ ay hindi ninyo sana hinatulan ang mga walang sala. 8 Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Sabbath.”
Ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay(B)
9 Umalis doon si Jesus at pumasok sa sinagoga. 10 At naroon ang isang taong paralisado ang isang kamay. Tinanong nila si Jesus, “Ayon ba sa batas ang magpagaling ng maysakit sa araw ng Sabbath?” Itinanong nila ito upang makahanap ng maipaparatang sa kanya. 11 Sinabi niya sa kanila, “Halimbawa, kung isa sa inyo ay may tupang nahulog sa isang hukay sa araw ng Sabbath, hindi ba niya ito aabutin at iaahon? 12 Higit namang napakahalaga ng isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa batas ang gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath.” 13 At sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga niya ito at ito'y nanumbalik sa dati, wala nang sakit katulad ng isa. 14 Gayunma'y umalis ang mga Fariseo at nagpulong laban sa kanya at nag-usap kung paano siya papatayin. 15 Subalit alam ito ni Jesus kaya't umalis siya roon. Sumunod sa kanya ang napakaraming tao, at silang lahat ay kanyang pinagaling. 16 Ipinagbilin niya sa kanila na huwag nilang ipamamalita ang tungkol sa kanya. 17 Naganap ito bilang katuparan ng sinabi sa pamamagitan ni Propeta Isaias, na nagsasaad:
18 “Masdan ninyo ang hinirang kong lingkod,
ang aking iniibig, na sa kanya ang kaluluwa ko'y nalulugod.
Ilalagay ko ang aking Espiritu sa kanya,
at sa mga bansa ang katarungan ay ipahahayag niya.
19 Hindi siya makikipag-away o sisigaw man,
at walang makaririnig ng kanyang tinig sa mga lansangan.
20 Nagalusang tambo ay hindi niya babaliin,
nagbabagang mitsa ay hindi niya papatayin,
hanggang ang katarungan ay maihatid niya sa tagumpay;
21 at magkakaroon ng pag-asa ang mga bansa sa kanyang pangalan.”
Panlalait sa Banal na Espiritu(C)
22 Pagkatapos ay dinala kay Jesus ang isang lalaking bulag at pipi na sinasaniban ng demonyo. Pinagaling niya ang lalaki kaya't nakapagsalita at nakakita iyon. 23 Namangha ang lahat ng naroroon at nagtanong, “Ito na nga kaya ang Anak ni David?” 24 Subalit (D) nang ito'y marinig ng mga Fariseo, sinabi nila, “Nakapagpapalayas lamang ng mga demonyo ang taong ito sa pamamagitan ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 25 Palibhasa'y alam niya ang mga iniisip nila, kanyang sinabi sa kanila, “Bawat kahariang lumalaban sa kanyang sarili ay babagsak; at walang bayan o sambahayang nagkakahati-hati ang magtatagal. 26 Kung pinapalayas ni Satanas si Satanas, hindi ba't nilalabanan niya ang kanyang sarili? Kung gayo'y paano tatayo ang kanyang kaharian? 27 At kung nakapagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, kanino namang kapangyarihan napapalayas sila ng inyong mga tagasunod? Kaya't sila na mismo ang hahatol sa inyo. 28 Ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos ay nagpapalayas ako ng mga demonyo, kung gayon, dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos. 29 O paano ba mapapasok at mapagnanakawan ng sinuman ang bahay ng isang malakas na tao, kung hindi muna niya ito gagapusin? Kung magkagayon, saka pa lamang niya malolooban ang bahay nito. 30 Ang (E) wala sa panig ko ay kalaban ko, at ang hindi ko kasamang nagtitipon ay pinagmumulan ng pagkakawatak-watak. 31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, patatawarin ang mga tao sa bawat kasalanan at panlalait, subalit ang panlalait sa Espiritu ay hindi patatawarin. 32 At (F) ang sinumang magsalita ng anuman laban sa Anak ng Tao ay patatawarin; ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin, sa panahon mang ito o sa darating.
Sa Bunga Nakikilala(G)
33 “Alinman sa (H) gawin ninyong mabuti ang puno at mabuti ang bunga nito o gawin ninyong masama ang puno at masama rin ang bunga nito. Sapagkat nakikilala ang puno sa pamamagitan ng bunga nito. 34 Kayong (I) lahi ng mga ulupong! Sadyang hindi kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay sapagkat kayo'y masasama! Sapagkat kung ano ang nilalaman ng dibdib, iyon ang mamumutawi sa bibig. 35 Ang mabuting tao mula sa kanyang mabuting kayamanan ay naglalabas ng mabubuting bagay, at ang masamang tao mula sa kanyang masamang kayamanan ay naglalabas ng masasamang bagay. 36 Sinasabi ko sa inyo, pananagutan ng mga tao sa araw ng paghuhukom ang bawat salitang walang habas na binigkas. 37 Sapagkat batay sa iyong mga salita, ikaw ay mapapawalang-sala o mahahatulan.”
Ang Tanda ni Jonas(J)
38 Pagkatapos, (K) may mga guro ng Kautusan at mga Fariseo na sumagot sa kanya, “Guro, nais naming makakita mula sa iyo ng isang himala bilang tanda.” 39 Sumagot (L) siya sa kanila, “Ang isang masama at taksil na lahi ay humahanap ng mahimalang tanda; subalit walang mahimalang tanda na ibibigay sa kanya, maliban sa mahimalang tanda ng propetang si Jonas. 40 Sapagkat (M) kung paanong tatlong araw at tatlong gabi si Jonas sa loob ng tiyan ng isang dambuhalang isda, gayundin ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabing mapapasailalim ng lupa. 41 Tatayo ang (N) mga taga-Nineve sa paghuhukom laban sa lahing ito at hahatulan ito, sapagkat nagsisi sila nang mangaral si Jonas. At ngayon, narito ang isang mas dakila kaysa kay Jonas. 42 Ang (O) Reyna ng Timog ay tatayo sa paghuhukom laban sa lahing ito, at hahatulan ito, sapagkat nanggaling pa siya sa kadulu-duluhan ng daigdig upang makinig sa karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang isang mas dakila kaysa kay Solomon.
Ang Pagbabalik ng Maruming Espiritu(P)
43 “Kapag nakalabas mula sa isang tao ang karumal-dumal na espiritu, lumilibot ito sa mga tuyong lugar at naghahanap ng mapagpapahingahan, subalit wala siyang matagpuan. 44 Kaya't sinasabi niya, ‘Babalik ako sa pinanggalingan kong bahay.’ Pagdating niya roon at matagpuan iyong walang laman, nalinisan at naiayos na, 45 umaalis siya, at nagdadala pa ng pitong espiritu na mas masasama kaysa kanya, at sila'y pumapasok at naninirahan doon. Ang huling kalagayan ng taong iyon ay masahol pa kaysa una. Gayundin ang sasapitin ng masamang lahing ito.”
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus(Q)
46 Habang nagsasalita pa si Jesus[a] sa napakaraming tao, nakatayo sa labas ang kanyang ina at mga kapatid, hinihiling nilang siya'y makausap. 47 May nagsabi sa kanya, “Nakatayo po sa labas ang inyong ina at mga kapatid at ibig kayong makausap.”[b] 48 Sumagot si Jesus sa kanya, “Sino ba ang aking ina at sino ang aking mga kapatid?” 49 Itinuro ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi niya, “Narito ang aking ina at aking mga kapatid. 50 Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng aking Ama sa langit, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina.”
Footnotes
- Mateo 12:46 Sa Griyego, siya
- Mateo 12:47 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.
Matthew 12
The Voice
12 The Sabbath came, and Jesus walked through a field. His disciples, who were hungry, began to pick some of the grain and eat it.
The Sabbath is a day of rest when one creates nothing, breaks nothing, gives nothing, makes no contracts, cuts no flowers, and boils no water; it is a day set aside by the Lord to remember the creative work of God, to experience the peace of the Lord, and to rest in the provision of God.
2 When the Pharisees saw this, they reacted.
Pharisees: Look! Your disciples are breaking the law of the Sabbath!
Jesus: 3 Haven’t you read what David did? When he and his friends were hungry, 4 they went into God’s house and they ate the holy bread, even though neither David nor his friends, but only priests, were allowed that bread. 5 Indeed, have you not read that on the Sabbath priests themselves do work in the temple, breaking the Sabbath law yet remaining blameless? 6 Listen, One who is greater than the temple is here.
7 Do you not understand what the prophet Hosea recorded, “I desire mercy, not sacrifice”[a]? If you understood that snippet of Scripture, you would not condemn these innocent men for ostensibly breaking the law of the Sabbath. 8 For the Son of Man has not only the authority to heal and cast out demons, He also has authority over the Sabbath.
9 Jesus left the field and went to the synagogue, 10 and there He met a man with a shriveled hand. The Pharisees wanted to set up Jesus.
Pharisees: Well, is it lawful to heal on the Sabbath too?
Jesus: 11 Look, imagine that one of you has a sheep that falls into a ditch on the Sabbath—what would you do?
Jesus—who can see the Pharisees are testing Him and basically have missed the point—is growing a little testy. The Pharisees say nothing.
(to the Pharisees) You would dive in and rescue your sheep. 12 Now what is more valuable, a person or a sheep? So what do you think—should I heal this man on the Sabbath? Isn’t it lawful to do good deeds on the Sabbath? 13 (to the man with the shriveled hand) Stretch out your hand.
As the man did so, his hand was completely healed, as good as new.
14 The Pharisees went and mapped out plans to destroy Jesus.
15 Jesus knew that the Pharisees were plotting to kill Him and left the area. Many people followed Him, and He healed them all, 16 always insisting that they tell no one about Him. 17 He did this in keeping with the prophecy Isaiah made so long ago:
18 This is My servant, whom I have well chosen;
this is the One I love, the One in whom I delight.
I will place My Spirit upon Him;
He will proclaim justice to all the world.
19 He will not fight or shout
or talk loudly in the streets.
20 He will not crush a reed under His heel
or blow out a smoldering candle
until He has led justice and righteousness to final victory.
21 All the world will find its hope in His name.[b]
22 Some of the faithful brought Jesus a man who was possessed by a demon, who was blind and mute, and Jesus healed him. The man could see and talk, and demons no longer crawled around in him.
People (astonished): 23 Could this be the Son of David?
Pharisees: 24 It is only through Beelzebul, the prince of demons, that this Jesus can cast out demons.
25 Jesus knew what the Pharisees were thinking.
Jesus: That would be like a father splitting his own household down the middle or a king cutting his kingdom in half—the household and the kingdom would fall apart. 26 So, too, if Satan imbued people with the power to drive out demons, Satan’s kingdom would collapse. 27 And you should think about this too: you have friends who drive out demons. If I am working as a tool of Beelzebul, whom are your people working for? 28 When I come to you and drive out demons by the Spirit of your Father in heaven—for the glory of your Father in heaven—you should recognize and rejoice that the kingdom of God has come to you.
29 Imagine you wanted to break into the house of your neighbor, a strong brawny man, and steal his furniture. First, you’d have to tie up your neighbor, yes? Once he was bound and tied, you could take whatever you wanted. 30 Similarly—he who is not with Me is against Me, and he who is not doing the Father’s work of gathering up the flock may as well be scattering the flock.
31-32 It is one thing for you to speak ill of the Son of Man. People will be forgiven for every sin they commit and blasphemy they utter. But those who call the work of God the work of Satan utterly remove themselves from God, and those who blaspheme God’s Spirit will not be forgiven, neither in this world nor in the world to come.
33 Good trees produce good fruits; bad trees produce bad fruits. You can always tell a tree by its fruits. 34 You children of snakes, you who are evil—how could you possibly say anything good? For the mouth simply shapes the heart’s impulses into words. 35 And so the good man (who is filled with goodness) speaks good words, while the evil man (who is filled with evil) speaks evil words. 36 I tell you this: on the day of judgment, people will be called to account for every careless word they have ever said. 37 The righteous will be acquitted by their own words, and you evildoers will be condemned by your own words.
Scribes and Pharisees: 38 Teacher, we want to see some miraculous sign from You.
Jesus: 39 You wicked and promiscuous generation—you are looking for signs, are you? The only sign you will be given is the sign of the prophet Jonah. 40 Jonah spent three days and three nights in the belly of a great fish, as the Son of Man will spend three days and three nights in the belly of the earth. 41 One day, the people of Nineveh will rise up in judgment and will condemn your present generation—for the Ninevites turned from sin to God when they heard Jonah preach, and now One far greater than Jonah is here. 42 The Queen of the South will also stand in judgment and condemn this generation—for she came from the ends of the earth to listen to Solomon’s wisdom. And today One greater and wiser than Solomon is among you.
43 Let Me tell you what will happen to this wicked generation: When an evil spirit comes out of a man, it rattles around through deserts and other dry places looking for a place to rest—but it does not find anywhere to rest. 44 So the spirit says, “I will return to the house I left.” And it returns to find that house unoccupied, tidy, swept, and sparkling clean. 45 Well, then not only does one spirit set up shop in that sparkling house, but it brings seven even more wicked spirits along. And the poor man—the house—is worse off than he was before. This evil generation will suffer a similar fate.
46 While Jesus was speaking to the crowd, His mother and brothers came up and wanted to speak to Him.
Someone in the Crowd: 47 Your mother and brothers are waiting outside to speak to You.
Jesus: 48 Who is My mother? And who are My brothers? 49 (pointing to His disciples) These are My mother and brothers. 50 Anyone who does the will of My Father in heaven is My mother and brother and sister.
Footnotes
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
The Voice Bible Copyright © 2012 Thomas Nelson, Inc. The Voice™ translation © 2012 Ecclesia Bible Society All rights reserved.