Add parallel Print Page Options

41 Ang mga lalaki sa Nineve ay titindig sa araw ng paghuhukom na kasama ng lahing ito. Sila ang hahatol sa lahing ito sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Jonas. 42 Ang Reyna ng Timog ay titindig sa araw ng paghuhukom kasama ng lahing ito. Siya ang hahatol sa lahing ito sapagkat nanggaling pa siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon.

43 Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay lumabas sa isang tao, gumagala siya sa mga tuyong dako. Naghahanap siya ng mapagpapahingahan ngunit wala siyang matagpuan.

Read full chapter