Add parallel Print Page Options

40 Ito ay sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng balyena sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin naman ang Anak ng Tao. Siya ay pupunta sa kailaliman ng lupa sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. 41 Ang mga lalaki sa Nineve ay titindig sa araw ng paghuhukom na kasama ng lahing ito. Sila ang hahatol sa lahing ito sapagkat nagsisi sila sa pangangaral ni Jonas. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Jonas. 42 Ang Reyna ng Timog ay titindig sa araw ng paghuhukom kasama ng lahing ito. Siya ang hahatol sa lahing ito sapagkat nanggaling pa siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon. At narito, ang isang higit na dakila kaysa kay Solomon.

Read full chapter