Add parallel Print Page Options

32 Ang sinumang mamusong laban sa Anak ng Tao ay ipatatawad sa kaniya. Ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi siya mapapatawad sa kapanahunang ito, maging sa darating pa.

33 Gawin ninyong mabuti ang punong-kahoy at mabuti ang magiging bunga nito. O kaya naman, pasamain ninyo ang punong-kahoy at masama ang magiging bunga nito. Ito ay sapagkat ang punong-kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34 O, kayong anak ng mga ulupong! Papaano kayo makakapagsalita ng mabubuting bagay gayong napa­kasama ninyo? Ito ay sapagkat mula sa kasaganaan ng puso nagsasalita ang bibig.

Read full chapter