Add parallel Print Page Options

Ngunit sinabi niya sa kanila: Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David noong siya at ang kaniyang mga kasama ay nagutom? Pumasok siya sa bahay ng Diyos at kinain ang mga tinapay na inihandog. Subalit labag sa kautusan na siya at ang mga kasama niya na kumain nito, dahil ito ay para sa mga saserdote lamang. O, hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabat, na ang mga saserdote sa templo ay lumabag sa araw ng Sabat, at hindi sila nagkasala?

Read full chapter