Add parallel Print Page Options

10 Narito, may isang lalaking naroroon na tuyot ang kamay. Tinanong nila siya na sinabi: Naaayon ba sa kautusan ang magpagaling sa araw ng Sabat? Tinanong nila siya upang may maiparatang sila sa kaniya.

11 Sinabi niya sa kanila: Kung ang sinuman sa inyo ay may isang tupa at nahulog ito sa malalim na hukay sa araw na Sabat, hindi ba ninyo ito kukunin at iaahon? 12 Ang isang tao ay higit na mahalaga kaysa sa tupa. Kaya naaayon sa kautusan ang gumawa ng mabuti sa araw ng Sabat.

Read full chapter