Mateo 11
Ang Biblia, 2001
Ang mga Sinugo ni Juan na Tagapagbautismo(A)
11 Nang matapos pagbilinan ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, umalis siya roon upang magturo at mangaral sa mga bayan nila.
2 Nang marinig ni Juan sa bilangguan ang mga gawa ng Cristo, nagpasabi siya sa pamamagitan ng kanyang mga alagad,
3 at sinabi sa kanya, “Ikaw ba iyong darating o maghihintay kami ng iba?”
4 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Humayo kayo at sabihin ninyo kay Juan ang inyong naririnig at nakikita:
5 Ang(B) mga bulag ay nakakakita, ang mga pilay ay nakakalakad, ang mga ketongin ay nalilinis, ang mga bingi ay nakakarinig, at ang mga patay ay muling binubuhay at ipinangangaral sa mga dukha ang magandang balita.
6 Mapalad ang sinumang hindi natitisod sa akin.”
7 Habang papaalis na ang mga ito, nagpasimulang magsalita si Jesus sa maraming tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang makita? Isa bang tambo na inuuga ng hangin?
8 Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang taong nakasuot ng malalambot na damit? Tingnan ninyo, ang mga nagsusuot ng malambot na damit ay nasa mga bahay ng mga hari.
9 Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, at higit pa kaysa isang propeta.
10 Ito(C) yaong tungkol sa kanya ay nasusulat,
‘Narito, ipinapadala ko ang aking sugo na nauuna sa iyo,
na maghahanda ng iyong daan sa harapan mo.’
11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, sa mga ipinanganak ng mga babae ay wala pang lumitaw ni isa na higit na dakila kaysa kay Juan na Tagapagbautismo; gayunman, ang pinakamaliit sa kaharian ng langit ay higit na dakila kaysa kanya.
12 Mula(D) sa mga araw ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok at sinasakop ng mga taong mararahas.
13 Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang kautusan ay nagpropesiya hanggang kay Juan;
14 at(E) kung ibig ninyong tanggapin, siya si Elias na darating.
15 Ang may pandinig ay makinig.
16 “Ngunit sa ano ko ihahambing ang lahing ito? Ito ay tulad sa mga batang nakaupo sa mga pamilihan na tumatawag sa kanilang mga kasama,
17 na sinasabi, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw; tumangis kami, ngunit hindi kayo nahapis.’
18 Sapagkat dumating si Juan na hindi kumakain o umiinom at sinasabi nila, ‘Mayroon siyang demonyo.’
19 Dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, ‘Tingnan ninyo, ang isang taong matakaw at isang maglalasing, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’ Ngunit ang karunungan ay pinapagtibay ng kanyang mga gawa.”[a]
Babala sa mga Lunsod na Di-nagsisi(F)
20 Kaya't pinasimulan niyang sumbatan ang mga lunsod na ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga makapangyarihang gawa sapagkat hindi sila nagsisi.
21 “Kahabag-habag(G) ka, Corazin! Kahabag-habag ka, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagsisi na may damit-sako at abo.
22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, higit pang mapagtitiisan sa araw ng paghuhukom ang Tiro at Sidon kaysa inyo.
23 At(H) ikaw, Capernaum, itataas ka ba hanggang sa langit? Ibababa ka hanggang sa Hades. Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nanatili sana iyon hanggang sa araw na ito.
24 Ngunit(I) sinasabi ko sa inyo, higit pang mapapagtiisan sa araw ng paghuhukom ang lupain ng Sodoma kaysa inyo.”
Ang Dakilang Paanyaya(J)
25 Nang oras na iyon ay sinabi ni Jesus, “Pinasasalamatan kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol;
26 oo, Ama, sapagkat gayon ang mapagpala mong kalooban.[b]
27 Ang(K) lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya.
28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.
29 Pasanin(L) ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.
30 Sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang aking pasan.”
Footnotes
- Mateo 11:19 Sa ibang mga kasulatan ay mga anak (ihambing sa Lucas 7:35) .
- Mateo 11:26 o sapagkat iyon ang kalugud-lugod sa iyong paningin .
Mattheüs 11
Het Boek
Jezus over Johannes de Doper
11 Nadat Jezus zijn twaalf leerlingen had gezegd wat zij moesten doen, ging Hij weg om in verschillende steden het goede nieuws te brengen.
2 Johannes de Doper, die nu in de gevangenis zat, hoorde wat de Christus allemaal deed. Daarom stuurde hij zijn leerlingen naar Hem toe met de vraag: 3 ‘Jezus, bent U het op wie wij hebben gewacht? Of moeten wij uitkijken naar iemand anders?’ 4 Jezus antwoordde: ‘Ga terug naar Johannes en vertel hem wat jullie horen en zien: 5 blinden zijn gaan zien en verlamden lopen weer, melaatsen zijn genezen en doven kunnen nu horen, doden zijn weer levend gemaakt en arme mensen horen het goede nieuws. 6 Gelukkig is degene die in Mij blijft geloven.’
7 Toen de leerlingen van Johannes weggingen, zei Jezus tegen de mensen die om Hem heen stonden: ‘U bent in de woestijn geweest om Johannes te zien. Wat dacht u eigenlijk van hem? Dat hij een riet was dat wuift in de wind? 8 Of dacht u iemand met dure kleren te zullen zien, zoals aan het hof van een koning? 9 Of bent u erheen gegaan om een profeet te zien? Ja, een profeet! En méér dan een profeet! 10 Want hij is de man over wie in het boek van Maleachi geschreven staat: “Ik stuur mijn boodschapper voor u uit om voor u een weg te banen.” 11 Onthoud dit: van alle mensen die ooit geboren zijn, is niemand groter dan Johannes de Doper. Toch is de kleinste in het Koninkrijk van de hemelen groter dan hij! 12 Sinds de tijd van Johannes de Doper tot nu toe wordt het Koninkrijk van de hemelen tegengewerkt en proberen sommigen er met geweld binnen te dringen. 13 Want zowel Mozes als de profeten hebben gezegd dat het zou komen. 14 En ten slotte verscheen Johannes. Of u het nu wilt geloven of niet, hij is de Elia die volgens de profeet Maleachi verwacht moest worden. 15 Wie oren heeft, moet ook goed luisteren!
16 Wat kan Ik over u zeggen? U bent net kinderen die buiten spelen en tegen elkaar zeggen: 17 “We hebben fluit gespeeld en jullie wilden niet dansen. Toen hebben we klaagliederen gezongen en jullie wilden niet treuren.” 18 Want Johannes de Doper drinkt geen wijn en eet vaak niet, en u zegt: “Hij is bezeten.” 19 Ik, de Mensenzoon, eet en drink wel, en u moppert: “Hij is een veelvraat en een drinker, een vriend van tolontvangers en slechte mensen!” De praktijk zal wel duidelijk maken wat wijsheid is!’
20 Hij begon verwijten te maken aan de steden waar Hij de meeste wonderen had gedaan. Hij verweet ze dat zij zich niet tot God hadden bekeerd. 21 ‘Chorazin! Betsaïda! Wat ziet het er voor u slecht uit! Als in de zondige steden Tyrus en Sidon de wonderen waren gebeurd die Ik in uw straten heb gedaan, zouden zij zich allang vol schaamte en berouw tot God hebben bekeerd. 22 Voor Tyrus en Sidon zal het op de dag van het grote oordeel minder erg zijn dan voor u. 23 En Kafarnaüm? Zal het worden verheerlijkt tot in de hemel? Nee, het zal verzinken in het dodenrijk. Want als de geweldige wonderen die Ik in Kafarnaüm heb gedaan, in de zondige stad Sodom waren gebeurd, zou ze er nu nog zijn. 24 De dag van het grote oordeel zal voor Sodom zeker niet zo erg zijn als voor Kafarnaüm.’
25 En Jezus bad dit gebed: ‘Vader, Heer van hemel en aarde, dank U wel dat U aan kleine kinderen hebt bekendgemaakt wat u voor wijzen en geleerden verborgen hebt gehouden. 26 Ja, Vader, want zo hebt U het gewild.’
27 Hij sprak weer tot de mensen. ‘Mijn Vader heeft Mij alles toevertrouwd. Hij is de enige die de Zoon echt kent. En Ik ben de enige die de Vader echt kent. En ook de mensen die Ik heb laten zien wie Hij is, kennen Hem. 28 Als de lasten u drukken en u vermoeid bent, kom dan bij Mij. Ik zal u rust geven. 29 Voeg u naar Mij en wees mijn leerling, want Ik ben vriendelijk en nederig van hart. Bij Mij zult u diepe innerlijke rust vinden. 30 Wat Ik van u vraag is nooit te zwaar en de last die u voor Mij moet dragen, is licht.’
Mateo 11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang mga Sinugo ni Juan na Tagapagbautismo(A)
11 Matapos pagbilinan ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, nilisan niya ang lugar na iyon upang magturo at mangaral sa kanilang mga bayan. 2 Nang mabalitaan ni Juan, na noon ay nasa bilangguan, ang tungkol sa mga gawa ng Cristo, nagsugo siya ng kanyang mga alagad, 3 at ipinatanong, “Ikaw na ba ang darating, o maghihintay pa kami ng iba?” 4 Sumagot si Jesus sa kanila, “Pagbalik ninyo kay Juan ay sabihin ninyo sa kanya ang inyong mga naririnig at nakikita. 5 Nakakikita ang mga bulag, nakalalakad ang mga paralitiko, nagiging malinis ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, binubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga dukha ang Magandang Balita. 6 Pinagpala ang sinumang hindi natitisod dahil sa akin.” 7 Habang sila'y umaalis, nagsimulang magsalita si Jesus sa napakaraming tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa ilang upang inyong makita? Isa bang tambo na inuuga ng hangin? 8 Ngunit ano ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang taong nakasuot ng mga mamahaling damit? "Nasa mga palasyo ng mga hari ang mga nagsusuot ng magagarang kasuotan." 9 At ano nga ba ang pinuntahan ninyo upang makita? Isa bang propeta? Oo, at sinasabi ko sa inyo, higit pa sa isang propeta. 10 Siya ang tinutukoy ng nasusulat,
‘Tingnan ninyo, isinusugo ko ang aking sugo, na mauuna sa iyo,
na maghahanda ng iyong daraanan.’
11 Tinitiyak ko sa inyo, sa mga isinilang ng mga babae ay wala pang lumitaw na mas dakila kay Juan na Tagapagbautismo. Gayunman, ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. 12 Mula pa sa kapanahunan ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay dumaranas ng karahasan at sapilitang kinukuha ng mga taong marahas. 13 Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang Kautusan ay nagsalita ng propesiya hanggang kay Juan, 14 at kung nais ninyong tanggapin, siya ay si Elias na darating. 15 Makinig ang mga may pandinig!
16 “At sa ano ko naman ihahambing ang mga tao sa panahong ito? Ang katulad nila'y mga batang nakaupo sa mga palengke at tumatawag sa kanilang mga kalaro,
17 ‘Tumugtog kami ng plauta para sa inyo, ngunit hindi naman kayo sumayaw;
umawit kami ng himig pagluluksa, ngunit hindi naman kayo umiyak.’
18 Sapagkat naparito si Juan na hindi kumakain ni umiinom, ngunit sinasabi nila, ‘Sinasaniban siya ng demonyo.’ 19 Naparito ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, ‘Tingnan ninyo siya! Matakaw at manginginom, kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’ Subalit ang karunungan ay pinatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.”
Babala sa mga Lungsod na Di-nagsisi(B)
20 Pagkatapos nito'y sinimulan niyang sumbatan ang mga lungsod na ginawan niya ng karamihan sa kanyang mga himala, sapagkat hindi nagsisi ang mga tao roon. 21 “Kaysaklap ng sasapitin mo, Corazin! Kaysaklap ng sasapitin mo, Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sana silang nagsisi na nakasuot ng damit-sako at may abo sa ulo. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mas kahahabagan pa sa araw ng paghuhukom ang Tiro at Sidon kaysa sa inyo. 23 At ikaw Capernaum, sa akala mo ba'y itataas ka sa langit? Ibababa ka sa daigdig ng mga patay.[a] Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa iyo, nakatayo pa sana hanggang ngayon ang bayang iyon. 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo, mas kahahabagan pa sa araw ng paghuhukom ang lupain ng Sodoma kaysa sa inyo.”
Ang Dakilang Paanyaya(C)
25 Nang sandaling iyon ay sinabi ni Jesus, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at may pinag-aralan, ngunit ipinaalam mo sa mga musmos. 26 Oo, Ama, sapagkat kalugud-lugod iyon sa iyong paningin. 27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking Ama. Walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak at sa sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya. 28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at may mabigat na pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. 29 Ang aking pamatok ay inyong pasanin, at kayo'y matuto sa akin, sapagkat ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso, at matatagpuan ninyo ang kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. 30 Sapagkat ang aking pamatok ay madaling dalhin, at magaan ang aking pasanin.”
Footnotes
- Mateo 11:23 Sa Griyego, Hades.
Het Boek Copyright © 1979, 1988, 2007 by Biblica, Inc.®
Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
