Mateo 11:11-13
Ang Salita ng Diyos
11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Sa lahat nang ipinanganak ng mga babae, walang lumitaw nang higit na dakila kaysa kay Juan na tagapagbawtismo. Gayunman, ang pinakamaliit sa paghahari ng langit ay higit na dakila kaysasa kaniya. 12 Ngunit mula sa mga araw ni Juan na tagapagbawtismo hanggang ngayon, ang paghahari ng langit ay nagbabata ng karahasan. Ito ay inaagaw ng mararahas na tao sa pamamagitan ng dahas. 13 Ito ay sapagkat hanggang kay Juan, ang lahat ng Propeta at ang Kautusan ay naghahayag ng mga bagay na darating.
Read full chapter
Mateo 11:11-13
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
11 Tinitiyak ko sa inyo, sa mga isinilang ng mga babae ay wala pang lumitaw na mas dakila kay Juan na Tagapagbautismo. Gayunman, ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. 12 Mula pa sa kapanahunan ni Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay dumaranas ng karahasan at sapilitang kinukuha ng mga taong marahas. 13 Sapagkat ang lahat ng mga propeta at ang Kautusan ay nagsalita ng propesiya hanggang kay Juan,
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
