Add parallel Print Page Options

15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Higit na mapagpapaumanhinan ang lupa ng Sodoma at ng Gomorra sa araw ng paghuhukom, kay sa bayang yaon.

Read full chapter

At ipinagbilin niya sa kanila (A)na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot;

Datapuwa't gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika.

10 At sinabi niya sa kanila, Saan man kayo magsipasok sa isang bahay, mangatira kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis doon.

11 At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin, at hindi kayo pakinggan, pagalis ninyo doo'y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila.

Read full chapter

At sinabi niya sa kanila, (A)Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika.

At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat doo'y magsialis kayo.

At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila.

Read full chapter

(A)Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; (B)at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan.

At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, (C)Kapayapaan nawa sa bahay na ito.

At kung (D)mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.

At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahay-bahay.

At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:

At pagalingin ninyo ang mga may-sakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, (E)Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios.

10 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,

11 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban (F)sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios.

12 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan (G)ang Sodoma kay sa bayang yaon.

Read full chapter