Add parallel Print Page Options

Ang Kayamanan sa Langit

19 Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa na kung saan maraming tanga at kalawang ang naninira. Nanakawin din ang mga ito ng mga magnanakaw.

20 Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit dahil doon ay walang tanga at kalawang na sisira, at wala ring mga magnanakaw. 21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.

Read full chapter

Ang Kayamanan sa Langit(A)

19 “Huwag kayong mag-impok para sa inyong mga sarili ng mga kayamanan dito sa lupa, kung saan ang bukbok at kalawang ay sumisira at kung saan ang mga magnanakaw ay nakapanloloob at nakapagnanakaw. 20 Sa halip ay mag-impok kayo para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa langit, kung saan ang bukbok at ang kalawang ay hindi makakapanira at kung saan ang mga magnanakaw ay hindi nakapanloloob at nakapagnanakaw. 21 Sapagkat kung saan nakalagak ang iyong kayamanan, doon din naman malalagak ang iyong puso.

Read full chapter