Mateo 3:7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Subalit nang makita niyang marami sa mga Fariseo at mga Saduceo ang dumarating sa kanya upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino'ng nagbabala sa inyo upang takasan ang darating na poot?
Read full chapter
Mateo 3:7
Ang Biblia (1978)
7 Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at (A)Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, (B)sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?
Read full chapter
Mateo 3:7
Ang Biblia, 2001
7 Ngunit(A) nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo ang nagdatingan upang magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang nagbabala sa inyo upang makatakas sa poot na darating?
Read full chapter
Mateo 12:34
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
34 Kayong (A) lahi ng mga ulupong! Sadyang hindi kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay sapagkat kayo'y masasama! Sapagkat kung ano ang nilalaman ng dibdib, iyon ang mamumutawi sa bibig.
Read full chapter
Mateo 12:34
Ang Biblia (1978)
34 Kayong (A)lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? (B)sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
Read full chapter
Mateo 12:34
Ang Biblia, 2001
34 Kayong(A) lahi ng mga ulupong! Paano kayo makapagsasalita ng mabubuting bagay gayong kayo ay masasama? Sapagkat sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
Read full chapter
Lucas 3:7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot?
Read full chapter
Lucas 3:7
Ang Biblia (1978)
7 Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?
Read full chapter
Lucas 3:7
Ang Biblia, 2001
7 Kaya't(A) sinabi ni Juan[a] sa napakaraming tao na dumating upang magpabautismo sa kanya, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na darating?
Read full chapterFootnotes
- Lucas 3:7 Sa Griyego ay niya .
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978