Mateo 27:35
Ang Biblia, 2001
35 At(A) nang siya'y maipako nila sa krus, pinaghati-hatian nila ang kanyang mga damit sa pamamagitan ng palabunutan.
Read full chapter
Mateo 27:35
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
35 At (A) nang siya'y maipako nila sa krus, nagpalabunutan sila upang mapaghati-hatian ang kanyang mga damit.
Read full chapter
Marcos 15:24
Ang Biblia, 2001
24 Siya'y(A) kanilang ipinako sa krus, at pinaghati-hatian ang kanyang mga damit na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang kukunin ng bawat isa.
Read full chapter
Marcos 15:24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 At (A) siya'y kanilang ipinako sa krus, pinaghati-hatian ang kanyang mga damit at nagpalabunutan kung kanino ito mapupunta.
Read full chapter
Lucas 23:33
Ang Biblia, 2001
33 Nang dumating sila sa lugar na tinatawag na Bungo, kanilang ipinako siya sa krus, kasama ng mga kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kanyang kaliwa.
Read full chapter
Lucas 23:33
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
33 Nang dumating sila sa lugar na tinatawag na Bungo, doon nila siya ipinako sa krus kasama ng mga salarin, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
Read full chapter
Juan 19:18
Ang Biblia, 2001
18 Doon ay kanilang ipinako siya at kasama niya ang dalawa pa, isa sa bawat tagiliran, at sa gitna nila ay si Jesus.
Read full chapter
Juan 19:18
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Ipinako nila roon si Jesus, kasama ang dalawa pa, ang isa ay nasa kanan niya, at ang isa ay sa kaliwa.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.