Add parallel Print Page Options

Ang Huling Hapunan(A)

26 Habang sila'y kumakain, si Jesus ay kumuha ng tinapay, ipinagpasalamat niya ito at pinagputul-putol, at ibinigay sa mga alagad. Sinabi niya, “Kumuha kayo, kainin ninyo. Ito ang aking katawan.” 27 At kumuha siya ng kopa at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila, at sinabi, “Uminom kayo nito, lahat kayo, 28 sapagkat (B) ito ang aking dugo ng tipan,[a] na ibinubuhos alang-alang sa marami, para sa kapatawaran ng mga kasalanan. 29 Sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa araw na iyon na iinumin kong panibago na kasama kayo sa kaharian ng aking Ama.” 30 Pagkatapos nilang umawit ng imno ay nagtungo sila sa Bundok ng mga Olibo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mateo 26:28 Sa ibang mga manuskrito ay dugo ng bagong tipan.

26 (A)At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.

27 At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan;

28 Sapagka't (B)ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos (C)dahil sa marami, (D)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.

29 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (E)na buhat ngayon ay hindi na ako iinom nitong bunga ng ubas, hanggang sa araw na yaon na inumin kong panibago na mga kasalo ko kayo (F)sa kaharian ng aking Ama.

30 (G)At pagkaawit nila (H)ng isang himno, ay (I)nagsiparoon sila sa bundok ng mga Olivo.

Read full chapter

Ang Hapunan ng Panginoon(A)

14 Nang sumapit na ang oras, dumulog si Jesus sa hapag na kasama ang mga apostol. 15 Sinabi niya sa kanila, “Matagal ko nang inaasam na makasalo kayo sa hapunang ito ng Paskuwa bago ako magdusa. 16 Sapagkat sinasabi ko sa inyong hinding-hindi na ako kakain nito hanggang maganap ito sa paghahari ng Diyos.” 17 At kumuha siya ng isang kopa, at matapos magpasalamat ay kanyang sinabi, “Kunin ninyo ito at pagsalu-saluhan. 18 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na mula ngayon, hinding-hindi na ako iinom ng katas ng ubas hanggang sa dumating ang paghahari ng Diyos.” 19 Dumampot siya ng tinapay, at matapos magpasalamat ay pinagputul-putol ito at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Ito ang aking katawan na ibinibigay para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 20 Matapos kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa, sinabi niya, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo na nabubuhos para sa inyo.

Read full chapter

14 At nang dumating ang oras, ay (A)naupo siya, at ang mga apostol ay kasalo niya.

15 At sinabi niya sa kanila, Pinakahahangad kong kanin na kasalo ninyo ang kordero ng paskuang ito bago ako maghirap:

16 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, Ito'y hindi ko kakanin, (B)hanggang sa ito'y maganap (C)sa kaharian ng Dios.

17 At siya'y tumanggap ng isang saro, at nang siya'y makapagpasalamat, ay sinabi niya, Kunin ninyo ito, at inyong pagbahabahaginin:

18 Sapagka't sinasabi ko (D)sa inyo, na hindi na ako iinom mula ngayon ng bunga ng ubas, hanggang sa dumating ang kaharian ng Dios.

19 At siya'y dumampot ng tinapay, (E)at nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito'y aking katawan, na ibinibigay dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

20 Gayon din naman ang saro, pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y ang bagong tipan sa aking dugo, na nabubuhos nang dahil sa inyo.

Read full chapter

Pagganap ng Hapunan ng Panginoon(A)

23 Sapagkat ang tinanggap ko mula sa Panginoon ang siyang itinatagubilin ko sa inyo: na ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay; 24 at pagkatapos magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.” 25 Sa (B) gayunding paraan ay kinuha niya ang kopa, pagkatapos maghapunan, at sinabi, “Ang kopang ito ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito, tuwing kayo'y iinom nito, bilang pag-alaala sa akin.”

Read full chapter

23 Sapagka't (A)tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo; na (B)ang Panginoong Jesus nang gabing siya'y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay;

24 At nang siya'y makapagpasalamat, ay kaniyang pinagputolputol, at sinabi, Ito'y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo: gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin.

25 At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin.

Read full chapter