Mateo 17:22-24
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Ikalawang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(A)
22 Habang nagtitipon sina Jesus at ang mga tagasunod niya sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao. 23 Papatayin nila ako, pero mabubuhay akong muli pagkaraan ng tatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng mga tagasunod ni Jesus.
Pagbabayad ng Buwis para sa Templo
24 Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis at nagtanong, “Nagbabayad ba ng buwis ang guro ninyo para sa templo?”
Read full chapter
Mateo 17:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Muling Binanggit ni Jesus ang tungkol sa Kanyang Kamatayan(A)
22 Nang sila'y nagkatipon[a] sa Galilea, sinabi ni Jesus sa kanila: “Ipagkakanulo na ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. 23 Siya'y kanilang papatayin subalit siya'y muling bubuhayin sa ikatlong araw.” Labis itong ikinalungkot ng mga alagad.
Pagbabayad ng Buwis para sa Templo
24 Pagdating (B) nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis[b] para sa templo at nagtanong sila, “Nagbabayad ba ng buwis sa templo ang inyong guro?”
Read full chapterFootnotes
- Mateo 17:22 Sa ibang mga manuskrito nakatira.
- Mateo 17:24 Sa Griyego, dalawang drachma.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.