Mateo 13:31-32
Magandang Balita Biblia
Talinghaga tungkol sa Buto ng Mustasa(A)
31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinghaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. “Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito.”
Read full chapter
Mateo 13:34
Magandang Balita Biblia
Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinghaga(A)
34 Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinghaga.
Read full chapter
Lucas 13:18-19
Magandang Balita Biblia
Ang Talinghaga ng Buto ng Mustasa(A)
18 Sinabi ni Jesus, “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Saan ko ito maihahambing? 19 Ang katulad nito'y isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging isang punongkahoy, at ang mga ibon ay nagpugad sa mga sanga nito.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.