A Meal for Four Thousand

1-3 At about this same time he again found himself with a hungry crowd on his hands. He called his disciples together and said, “This crowd is breaking my heart. They have stuck with me for three days, and now they have nothing to eat. If I send them home hungry, they’ll faint along the way—some of them have come a long distance.”

His disciples responded, “What do you expect us to do about it? Buy food out here in the desert?”

He asked, “How much bread do you have?”

“Seven loaves,” they said.

6-10 So Jesus told the crowd to sit down on the ground. After giving thanks, he took the seven bread loaves, broke them into pieces, and gave them to his disciples so they could hand them out to the crowd. They also had a few fish. He pronounced a blessing over the fish and told his disciples to hand them out as well. The crowd ate its fill. Seven sacks of leftovers were collected. There were well over four thousand at the meal. Then he sent them home. He himself went straight to the boat with his disciples and set out for Dalmanoutha.

11-12 When they arrived, the Pharisees came out and started in on him, badgering him to prove himself, pushing him up against the wall. Provoked, he said, “Why does this generation clamor for miraculous guarantees? If I have anything to say about it, you’ll not get so much as a hint of a guarantee.”

Contaminating Yeast

13-15 He then left them, got back in the boat, and headed for the other side. But the disciples forgot to pack a lunch. Except for a single loaf of bread, there wasn’t a crumb in the boat. Jesus warned, “Be very careful. Keep a sharp eye out for the contaminating yeast of Pharisees and the followers of Herod.”

16-19 Meanwhile, the disciples were finding fault with each other because they had forgotten to bring bread. Jesus overheard and said, “Why are you fussing because you forgot bread? Don’t you see the point of all this? Don’t you get it at all? Remember the five loaves I broke for the five thousand? How many baskets of leftovers did you pick up?”

They said, “Twelve.”

20 “And the seven loaves for the four thousand—how many bags full of leftovers did you get?”

“Seven.”

21 He said, “Do you still not get it?”

22-23 They arrived at Bethsaida. Some people brought a sightless man and begged Jesus to give him a healing touch. Taking him by the hand, he led him out of the village. He put spit in the man’s eyes, laid hands on him, and asked, “Do you see anything?”

24-26 He looked up. “I see men. They look like walking trees.” So Jesus laid hands on his eyes again. The man looked hard and realized that he had recovered perfect sight, saw everything in bright, twenty-twenty focus. Jesus sent him straight home, telling him, “Don’t enter the village.”

The Messiah

27 Jesus and his disciples headed out for the villages around Caesarea Philippi. As they walked, he asked, “Who do the people say I am?”

28 “Some say ‘John the Baptizer,’” they said. “Others say ‘Elijah.’ Still others say ‘one of the prophets.’”

29 He then asked, “And you—what are you saying about me? Who am I?”

Peter gave the answer: “You are the Christ, the Messiah.”

30-32 Jesus warned them to keep it quiet, not to breathe a word of it to anyone. He then began explaining things to them: “It is necessary that the Son of Man proceed to an ordeal of suffering, be tried and found guilty by the elders, high priests, and religion scholars, be killed, and after three days rise up alive.” He said this simply and clearly so they couldn’t miss it.

32-33 But Peter grabbed him in protest. Turning and seeing his disciples wavering, wondering what to believe, Jesus confronted Peter. “Peter, get out of my way! Satan, get lost! You have no idea how God works.”

34-37 Calling the crowd to join his disciples, he said, “Anyone who intends to come with me has to let me lead. You’re not in the driver’s seat; I am. Don’t run from suffering; embrace it. Follow me and I’ll show you how. Self-help is no help at all. Self-sacrifice is the way, my way, to saving yourself, your true self. What good would it do to get everything you want and lose you, the real you? What could you ever trade your soul for?

38 “If any of you are embarrassed over me and the way I’m leading you when you get around your fickle and unfocused friends, know that you’ll be an even greater embarrassment to the Son of Man when he arrives in all the splendor of God, his Father, with an army of the holy angels.”

Ang Pagpapakain sa Apat na Libo(A)

Pagkaraan ng ilang araw, muling nagtipon ang napakaraming tao. Wala silang makain, kaya tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Nahahabag ako sa maraming taong ito sapagkat tatlong araw ko na silang kasama at walang makain. Kung pauuwiin ko silang nagugutom, mahihilo sila sa daan lalo na't ang iba sa kanila'y nanggaling pa sa malayo.” Sumagot ang kanyang mga alagad, “Saan po dito sa ilang makakukuha ng sapat na pagkain para sa mga taong ito?” “Ilan ba ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Jesus. “Pito,” sagot nila. Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at pagkatapos magpasalamat ay hinati-hati niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi, at ipinamahagi nga nila ito sa mga tao. Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nang mabasbasan ang mga ito, iniutos niya sa mga alagad na ipamahagi rin ito sa mga tao. Kumain sila at nabusog at pagkatapos ay tinipon nila ang lumabis na pagkain na pitong kaing. May apat na libong lalaki ang naroon. Pinauwi sila ni Jesus, 10 pagkatapos ay agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng Dalmanuta. 11 Dumating doon (B) ang mga Fariseo at nakipagtalo kay Jesus. Hinihingan nila si Jesus ng himala mula sa langit upang subukin siya. 12 Napabuntong-hininga (C) nang malalim si Jesus at sinabi, “Bakit humahanap ng himala ang salinlahing ito? Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, walang himalang ipapakita sa salinlahing ito.” 13 Sila'y iniwan niya, at muling sumakay sa bangka at tumawid sa ibayo.

Ang Pampaalsang Gamit ng mga Fariseo at ni Herodes(D)

14 Nakalimutan ng mga alagad[a] na magdala ng tinapay, maliban sa isang tinapay na dala nila sa bangka. 15 Binalaan (E) sila ni Jesus, “Mag-ingat kayo at iwasan ninyo ang pampaalsang gamit ng mga Fariseo at ni Herodes.” 16 Nag-usap-usap ang mga alagad, “Wala kasi tayong dalang tinapay.” 17 Dahil alam ni Jesus ang kanilang pag-uusap, tinanong niya sila, “Bakit ninyo pinag-uusapang wala kayong tinapay? Hindi pa ba ninyo nauunawaan? Manhid ba kayo? 18 Mayroon (F) kayong mga mata, bakit hindi kayo makakita? Mayroon kayong mga tainga, bakit hindi kayo makarinig? Hindi ba ninyo natatandaan 19 nang hati-hatiin ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang kaing ng mga lumabis ang inyong pinulot?” “Labindalawa,” sagot nila. 20 “Nang pagputul-putulin ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang kaing ng mga lumabis ang pinulot ninyo?” Sinabi nila sa kanya, “Pito.” 21 “Hindi pa ba ninyo nauunawaan?” tanong ni Jesus.

Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag

22 Pumasok sila sa Bethsaida at dinala sa kanya ang isang lalaking bulag at ipinakiusap na kanyang hipuin. 23 Hinawakan ni Jesus sa kamay ang bulag at inakay palabas ng nayon. Niluraan niya ang mga mata nito, ipinatong ang kanyang mga kamay at tinanong, “Mayroon ka bang nakikita?” 24 Tumingala ang lalaki at nagsabi, “Nakakakita po ako ng mga tao, parang mga punongkahoy na naglalakad.” 25 Muling ipinatong ni Jesus ang kanyang kamay sa mga mata ng lalaki. Iminulat ng lalaki ang kanyang mga mata. Nanumbalik ang kanyang paningin at nakakita na siya nang malinaw. 26 Pinauwi siya ni Jesus at pinagbilinan, “Huwag ka nang pumasok sa nayon.”

Ang Pagpapahayag ni Pedro tungkol kay Jesus(G)

27 Nagtungo si Jesus at ang kanyang mga alagad sa mga nayon ng Cesarea sa Filipos. Habang sila'y nasa daan ay tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng mga tao kung sino ako?” 28 Sumagot (H) sila, “Sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo; sabi naman ng iba'y si Elias, at ng iba'y isa sa mga propeta.” 29 “At kayo, ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” (I) tanong niya sa kanila. Sumagot si Pedro, “Ikaw ang Cristo.”[b] 30 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag sasabihin kaninuman ang tungkol sa kanya.

Unang Pagpapahayag ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(J)

31 Mula noo'y sinimulan niyang ituro sa mga alagad na ang Anak ng Tao ay dapat dumanas ng maraming hirap, at itakwil ng matatandang pinuno, ng mga punong pari, at ng mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y papatayin ngunit pagkaraan ng tatlong araw ay muling mabubuhay. 32 Maliwanag niyang sinabi ang mga ito sa kanila, kaya dinala siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan. 33 Ngunit lumingon si Jesus, tumingin sa mga alagad at pinagsabihan si Pedro, “Lumayas ka sa harapan ko, Satanas! Ang iniisip mo'y hindi galing sa Diyos kundi galing sa tao!” 34 Tinawag (K) ni Jesus ang maraming tao at ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, “Sinumang nais sumunod sa akin, tanggihan niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. 35 Sapagkat (L) sinumang nagnanais magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito, at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa akin at sa ebanghelyo ay magkakamit nito. 36 Sapagkat ano ang pakinabang ng tao makamtan man niya ang buong sanlibutan kung mapapahamak naman ang kanyang buhay? 37 Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kanyang buhay? 38 Sinumang ikahiya ako at ang aking salita sa mapakiapid at makasalanang salinlahing ito, ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao pagdating niya na taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama, kasama ang mga banal na anghel.”

Footnotes

  1. Marcos 8:14 Sa Griyego, nila.
  2. Marcos 8:29 o ang Mesiyas.