Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tinitiyak ko sa inyo, may ilan sa inyo rito na hindi daranas ng kamatayan hangga't hindi nila nakikita ang makapangyarihang pagdating ng kaharian ng Diyos.”

Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(A)

Pagkaraan (B) ng anim na araw, ibinukod ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan at isinama sa pag-akyat sa isang mataas na bundok. Nagbagong-anyo si Jesus sa harap nila. Nagningning sa kaputian ang kanyang damit, kaputiang hindi kayang gawin ninuman sa daigdig. Nagpakita rin sa kanila doon sina Elias at Moises na kapwa nakikipag-usap kay Jesus. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Rabbi, mabuti po na narito tayo. Magtatayo po kami ng tatlong tolda; isa para sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.” Hindi alam ni Pedro kung ano ang dapat niyang sabihin dahil sa matinding takot nila. (C) May lumitaw na ulap at nililiman sila. Isang tinig ang narinig nila mula sa ulap, “Ito ang Minamahal kong Anak, siya ang inyong pakinggan!” Nang tumingin sa paligid ang mga alagad, wala na silang nakitang kasama nila kundi si Jesus.

Habang bumababa sila sa bundok, mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag sasabihin kaninuman ang kanilang nakita hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao. 10 Iningatan nila sa kanilang sarili ang bagay na ito, habang pinag-uusapan kung ano ang kahulugan ng muling pagkabuhay mula sa kamatayan. 11 Nagtanong (D) sila kay Jesus, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?” 12 Sumagot siya, “Dapat nga munang dumating si Elias na nagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay. Gayunman, bakit nasusulat na ang Anak ng Tao'y daranas ng maraming hirap at itatakwil? 13 Sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias, at ginawa sa kanya ng mga tao ang lahat ng nais nila, gaya ng nasusulat tungkol sa kanya.”

Pinagaling ni Jesus ang Batang Sinasaniban ng Masamang Espiritu(E)

14 Nang magbalik sila sa mga alagad, nakita nilang napapaligiran ang mga ito ng napakaraming tao at nakikipagtalo sa mga tagapagturo ng Kautusan. 15 Nang makita ng maraming tao si Jesus, agad silang namangha at tumakbo upang batiin siya. 16 Tinanong sila ni Jesus, “Ano'ng pinagtatalunan ninyo?” 17 Sumagot sa kanya ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko rito ang aking anak na lalaki na sinasaniban ng isang espiritu na sanhi ng kanyang pagkapipi. 18 Tuwing siya'y sasaniban nito, ibinubuwal siya, bumubula ang kanyang bibig, nagngangalit ang kanyang mga ngipin at siya'y naninigas. Hiniling ko sa iyong mga alagad na palayasin ang espiritu ngunit hindi nila magawa.” 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Salinlahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ko kayo makakasama? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo siya rito.” 20 Dinala nga nila ito sa kanya. Nang makita siya ng espiritu, bigla nitong pinangisay ang bata. Natumba ito sa lupa, at nagpagulung-gulong na bumubula ang bibig. 21 Tinanong ni Jesus ang ama, “Kailan pa ito nangyayari sa kanya?” Sinabi niya, “Mula pa sa pagkabata. 22 Madalas siya nitong itinutumba sa apoy at sa tubig upang patayin. Kung may magagawa ka, maawa ka sa amin at tulungan mo kami.” 23 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung magagawa mong sumampalataya, mangyayari ang lahat sa sinumang may pananampalataya.” 24 Kaagad sumigaw ang ama ng bata, “Sumasampalataya po ako! Tulungan mo po ako sa aking kawalan ng pananampalataya!” 25 Nang makita ni Jesus na dumaragsa ang tao sa paligid, sinaway niya ang maruming espiritu, “Ikaw na pipi at binging espiritu, iniuutos ko sa iyo, lumabas ka sa kanya at huwag ka nang babalik!” 26 Nagsisigaw ang espiritu, pinangisay ang bata, pagkatapos ay lumabas. Nagmistulang patay ang bata kaya't sinabi ng marami, “Patay na siya.” 27 Ngunit hinawakan siya ni Jesus sa kamay at ibinangon. At ang bata'y tumindig. 28 Nang pumasok siya sa bahay, palihim siyang tinanong ng mga alagad, “Bakit hindi namin kayang palayasin ang espiritung iyon?” 29 Sumagot si Jesus, “Mapapalayas lamang ang ganitong uri ng espiritu sa pamamagitan ng panalangin.”[a]

Muling Binanggit ni Jesus ang tungkol sa Kanyang Kamatayan(F)

30 Umalis sila roon at nagdaan sa Galilea. Ayaw niyang malaman ng sinuman ang kanyang kinaroroonan, 31 sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao at siya'y kanilang papatayin. Pagkatapos siyang patayin, siya'y muling mabubuhay sa ikatlong araw.” 32 Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niya, at natatakot naman silang magtanong sa kanya.

Sino ang Pinakadakila?(G)

33 Nakarating sila sa Capernaum. Nang si Jesus ay nasa loob na ng bahay, tinanong niya ang mga alagad, “Ano ang pinag-uusapan ninyo sa daan?” 34 Hindi (H) sila sumagot, sapagkat pinag-usapan nila sa daan kung sino ang pinakadakila. 35 Umupo (I) si Jesus, tinawag ang labindalawa at sinabi, “Sinumang nais maging una, siya'y dapat maging huli sa lahat at lingkod ng lahat.” 36 Kinuha niya ang isang maliit na bata at inilagay sa gitna nila. Kinalong niya ito, at sa kanila'y sinabi, 37 “Ang (J) sinumang tumatanggap sa maliit na batang tulad nito sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin. At sinumang tumatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi ang nagsugo sa akin.”

Ang Hindi Laban sa Atin ay Panig sa Atin(K)

38 Sinabi sa kanya ni Juan, “Guro, nakakita kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa iyong pangalan. Pinagbawalan namin siya, sapagkat hindi siya sumasama sa atin.” 39 Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan. Sapagkat walang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ang agad makapagsasalita ng masama tungkol sa akin. 40 Sapagkat (L) ang sinumang hindi laban sa atin ay panig sa atin. 41 Tandaan (M) ninyo ito: sinumang magpainom sa inyo ng isang basong tubig dahil sa pangalan ko ay hindi maaaring mawalan ng gantimpala.

Mga Sanhi ng Pagkakasala(N)

42 “Mabuti pa sa isang tao na talian ng isang malaking gilingang bato sa leeg at itapon sa dagat kaysa maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin. 43 Kung (O) ang isang kamay mo ay nagiging sanhi ng pagkakasala mo, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang magkamit ng buhay na putol ang kamay kaysa may dalawang kamay kang pupunta sa impiyerno, kung saan ang apoy ay hindi mapapatay. 44 [Doon, ang mga uod at apoy ay hindi namamatay.][b] 45 Kung ang isa sa iyong paa ay nagiging sanhi ng pagkakasala mo, putulin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang magkamit ng buhay na putol ang isang paa kaysa may dalawa kang paa at itapon ka sa impiyerno. 46 [Doon, ang mga uod at apoy ay hindi namamatay.][c] 47 Kung (P) ang iyong mata ang nagiging sanhi ng pagkakasala mo, dukutin mo ito. Mas mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos na iisa ang mata, kaysa may dalawa kang mata at itapon ka sa impiyerno. 48 Doon,(Q) ang mga uod nila at ang apoy ay hindi namamatay. 49 Sapagkat bawat isa ay aasinan ng apoy.[d] 50 Mabuti (R) ang asin, ngunit kung mawala ang alat nito, paano ito mapapaalat muli? Magtaglay kayo ng asin, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isa't isa.”

Footnotes

  1. Marcos 9:29 Sa ibang mga manuskrito ay panalangin at pag-aayuno.
  2. Marcos 9:44 Sa ibang mga naunang manuskrito wala ang talatang ito.
  3. Marcos 9:46 Sa ibang mga naunang manuskrito wala ang talatang ito.
  4. Marcos 9:49 Sa ibang mga manuskrito may karugtong na at bawat handog ay aasinan ng asin.

Yes!” he went on, “I tell you that there are some people standing here who will not experience death until they see the Kingdom of God come in a powerful way!”

Six days later, Yeshua took Kefa, Ya‘akov and Yochanan and led them up a high mountain privately. As they watched, he began to change form, and his clothes became dazzlingly white, whiter than anyone in the world could possibly bleach them. Then they saw Eliyahu and Moshe speaking with Yeshua. Kefa said to Yeshua, “It’s good that we’re here, Rabbi! Let’s put up three shelters — one for you, one for Moshe and one for Eliyahu.” (He didn’t know what to say, they were so frightened.) Then a cloud enveloped them; and a voice came out of the cloud, “This is my Son, whom I love. Listen to him!” Suddenly, when they looked around, they no longer saw anyone with them except Yeshua.

As they came down the mountain, he warned them not to tell anyone what they had seen until after the Son of Man had risen from the dead. 10 So they kept the matter to themselves; but they continued asking each other, “What is this ‘rising from the dead’?” 11 They also asked him, “Why do the Torah-teachers say that Eliyahu has to come first?” 12 “Eliyahu will indeed come first,” he answered, “and he will restore everything. Nevertheless, why is it written in the Tanakh that the Son of Man must suffer much and be rejected? 13 There’s more to it: I tell you that Eliyahu has come, and they did whatever they pleased to him, just as the Tanakh says about him.”

14 When they got back to the talmidim, they saw a large crowd around them and some Torah-teachers arguing with them. 15 As soon as the crowd saw him, they were surprised and ran out to greet him. 16 He asked them, “What’s the discussion about?” 17 One of the crowd gave him the answer: “Rabbi, I brought my son to you because he has an evil spirit in him that makes him unable to talk. 18 Whenever it seizes him, it throws him to the ground — he foams at the mouth, grinds his teeth and becomes stiff all over. I asked your talmidim to drive the spirit out, but they couldn’t do it.” 19 “People without any trust!” he responded. “How long will I be with you? How long must I put up with you? Bring him to me!” 20 They brought the boy to him; and as soon as the spirit saw him, it threw the boy into a convulsion. 21 Yeshua asked the boy’s father, “How long has this been happening to him?” “Ever since childhood,” he said; 22 “and it often tries to kill him by throwing him into the fire or into the water. But if you can do anything, have pity on us and help us!” 23 Yeshua said to him, “What do you mean, ‘if you can’? Everything is possible to someone who has trust!” 24 Instantly the father of the child exclaimed, “I do trust — help my lack of trust!” 25 When Yeshua saw that the crowd was closing in on them, he rebuked the unclean spirit, saying to it, “You deaf and dumb spirit! I command you: come out of him, and never go back into him again!” 26 Shrieking and throwing the boy into a violent fit, it came out. The boy lay there like a corpse, so that most of the people said he was dead. 27 But Yeshua took him by the hand and raised him to his feet, and he stood up.

28 After Yeshua had gone indoors, his talmidim asked him privately, “Why couldn’t we drive it out?” 29 He said to them “This is the kind of spirit that can be driven out only by prayer.”

30 After leaving that place, they went on through the Galil. Yeshua didn’t want anyone to know, 31 because he was teaching his talmidim. He told them, “The Son of Man will be betrayed into the hands of men who will put him to death; but after he has been killed, three days later he will rise.” 32 But they didn’t understand what he meant, and they were afraid to ask him.

33 They arrived at K’far-Nachum. When Yeshua was inside the house, he asked them, “What were you discussing as we were traveling?” 34 But they kept quiet; because on the way, they had been arguing with each other about who was the greatest. 35 He sat down, summoned the Twelve and said to them, “If anyone wants to be first, he must make himself last of all and servant of all.” 36 He took a child and stood him among them. Then he put his arms around him and said to them, 37 “Whoever welcomes one such child in my name welcomes me, and whoever welcomes me welcomes not me but the One who sent me.”

38 Yochanan said to him, “Rabbi, we saw a man expelling demons in your name; and because he wasn’t one of us, we told him to stop.” 39 But Yeshua said, “Don’t stop him, because no one who works a miracle in my name will soon after be able to say something bad about me. 40 For whoever is not against us is for us. 41 Indeed, whoever gives you even a cup of water to drink because you come in the name of the Messiah — yes! I tell you that he will certainly not lose his reward.

42 “Whoever ensnares one of these little ones who trust me — it would be better for him to have a millstone hung around his neck and be thrown in the sea. 43 If your hand makes you sin, cut it off! Better that you should be maimed but obtain eternal life, rather than keep both hands and go to Gei-Hinnom, to unquenchable fire! 44 [a] 45 And if your foot makes you sin, cut it off! Better that you should be lame but obtain eternal life, rather than keep both feet and be thrown into Gei-Hinnom! 46 [b] 47 And if your eye makes you sin, pluck it out! Better that you should be one-eyed but enter the Kingdom of God, rather than keep both eyes and be thrown into Gei-Hinnom,

48 where their worm does not die,
and the fire is not quenched.[c]

49 Indeed, everyone is going to be salted with fire. 50 Salt is excellent, but if it loses its saltiness, how will you season it? So have salt in yourselves — that is, be at peace with each other.”

Footnotes

  1. Mark 9:44 Some manuscripts include identical verses 9:44, 46: where their worm does not die, and the fire is not quenched. (Isaiah 66:24)
  2. Mark 9:46 Some manuscripts include identical verses 9:44, 46: where their worm does not die, and the fire is not quenched. (Isaiah 66:24)
  3. Mark 9:48 Isaiah 66:24