Marcos 6:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Dahil(A) dito, sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta'y iginagalang ng lahat, maliban ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at ng kanyang pamilya.” 5 Hindi siya nakagawa ng himala roon, maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling. 6 Namangha siya dahil ayaw nilang maniwala sa kanya.
Isinugo ni Jesus ang Labindalawa(B)
Nilibot ni Jesus ang mga nayon sa paligid at tinuruan niya ang mga tagaroon.
Read full chapter
Marcos 6:4-6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Kaya't (A) sinabi ni Jesus, “Ang propeta'y hindi nawawalan ng karangalan, maliban sa kanyang sariling bayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay.” 5 Hindi siya nakagawa ng kahit anong himala roon liban sa pagpapatong ng kanyang mga kamay sa ilang maysakit upang sila'y mapagaling. 6 Nagtaka siya sa kanilang hindi pagsampalataya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.