Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Sinasaniban ng Demonyo(A)

Dumating sila sa kabilang lawa, sa lupain ng mga Geraseno.[a] Pagbaba ni Jesus mula sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking galing sa libingan. Ang lalaking ito'y sinasaniban ng maruming espiritu. Siya'y naninirahan sa mga libingan at hindi mapigilan kahit ng tanikala. Madalas siyang iposas at itanikala, ngunit nababali niya at nalalagot ang mga gapos. Walang may sapat na lakas na makasupil sa kanya. Araw-gabi siyang nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili sa pamamagitan ng mga bato. Malayo pa ay natanaw na niya si Jesus. Patakbo siyang lumapit at lumuhod sa harap niya. Sumigaw siya nang malakas, “Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos, ano'ng kailangan mo sa akin! Alang-alang sa Diyos, huwag mo akong pahirapan!” Sinabi niya ito sapagkat iniutos sa kanya ni Jesus, “Ikaw na maruming espiritu, lumabas ka sa taong ito!” Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” Sumagot siya, “Lehiyon[b] ang pangalan ko sapagkat marami kami.” 10 Nagmakaawa siya kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon.

11 Noon nama'y may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain sa libis ng bundok na malapit doon. 12 Nakiusap sila kay Jesus, “Hayaan mo na lamang na makapasok kami sa mga baboy.” 13 Pinayagan naman sila ni Jesus. Lumabas ang mga masamang espiritu mula sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang kawan na may dalawang libo ay kumaripas ng takbo papunta sa matarik na bangin patungong lawa at nalunod. 14 Nagtakbuhan ang mga tagapag-alaga ng kawan, at ibinalita sa lungsod at sa mga karatig-nayon ang naganap. Kaya't nagdatingan ang mga tao upang tingnan kung ano ang nangyari. 15 Paglapit nila kay Jesus, nakita nila ang lalaking dating sinaniban ng maruming espiritu na nakaupo, nakadamit, at matino ang pag-iisip. At sila'y natakot. 16 Isinalaysay sa kanila ng mga nakasaksi ang naganap sa lalaking sinaniban ng demonyo at gayundin sa mga baboy. 17 Kaya't nakiusap sila kay Jesus na lisanin ang kanilang lugar. 18 Nang pasakay na si Jesus sa bangka, nakiusap ang lalaking dating sinaniban ng mga demonyo na isama siya. 19 Ngunit hindi pumayag si Jesus. Sa halip ay sinabi sa lalaki, “Umuwi ka at ibalita sa iyong mga kasambahay ang lahat ng ginawa ng Panginoon para sa iyo, at kung paano siya nahabag sa iyo.” 20 Umalis nga ang lalaki[c] at ipinamalita sa buong Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Jesus. Namangha ang lahat ng nakarinig nito.

Binuhay ang Anak ni Jairo at Pinagaling ang Isang Babae(B)

21 Nang muling makatawid si Jesus sa ibayo, nasa tabi pa lamang siya ng lawa ay pinalibutan siya ng napakaraming tao. 22 Dumating ang isa sa mga pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Pagkakita kay Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito. 23 Nagmakaawa si Jairo kay Jesus, “Kung maaari ay sumama po kayo sa akin. Nag-aagaw-buhay na ang aking munting anak na babae. Ipatong po ninyo sa kanya ang inyong mga kamay upang siya'y gumaling at mabuhay!” 24 Sumama naman si Jesus.

Napakaraming tao ang sumunod sa kanya, kaya't siya'y nasisiksik. 25 Kabilang sa naroon ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo. 26 Maraming hirap na ang kanyang dinanas dahil sa maraming manggagamot. Naubos na niya ang kanyang ari-arian sa pagpapagamot. Ngunit sa halip na gumaling, lalo pang lumala ang kanyang karamdaman. 27 Nang mabalitaan niya ang tungkol kay Jesus, nakipagsiksikan siya sa karamihan hanggang makalapit sa kanyang likuran, at hinawakan ang damit nito. 28 Ganito ang nasa isip niya, “Tiyak na gagaling ako mahawakan ko lang ang kanyang damit.” 29 Noon di'y tumigil ang kanyang pagdurugo, at naramdaman niya sa kanyang katawan na magaling na siya. 30 Naramdaman naman ni Jesus na may kapangyarihang lumabas sa kanya, kaya't lumingon siya sa mga tao at nagtanong, “Sino ang humawak sa damit ko?” 31 Sumagot ang kanyang mga alagad, “Nakikita po ninyong sinisiksik kayo ng maraming tao, bakit ninyo itatanong kung sino ang humawak sa inyo?” 32 Subalit tumingin pa rin siya sa buong paligid upang makita kung sino ang humawak sa kanya. 33 Dahil alam ng babae ang nangyari sa kanya, nanginginig siya sa takot na lumapit kay Jesus, nagpatirapa sa harap niya, at ipinagtapat ang buong katotohanan. 34 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Lumakad kang payapa. Tapos na ang iyong pagdurusa. Magaling ka na.”

35 Nagsasalita pa siya nang may mga taong dumating galing sa bahay ni Jairo. “Namatay na ang anak mong babae,” sabi nila. “Bakit mo pa inaabala ang Guro?” 36 Ngunit hindi pinansin[d] ni Jesus ang kanilang sinabi. Sa halip, sinabi niya kay Jairo, “Huwag kang matakot; basta manalig ka.” 37 Wala siyang isinama kundi sina Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan. 38 Nang makarating sila sa bahay ng pinuno ng sinagoga, nakita niya ang pagkakagulo, ang mga pagtangis at pagtaghoy. 39 Pagpasok niya ay kanyang sinabi, “Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata, natutulog lang.” 40 Pinagtawanan siya ng mga tao. Pinalabas niya ang lahat at pumasok sa silid na kinaroroonan ng bata, kasama ang ama at ina nito, pati ang mga alagad na kasama niya. 41 Hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Talitha cum,”[e] na ang ibig sabihin ay “Neneng, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka!” 42 Kaagad namang bumangon ang batang babae at lumakad-lakad. Siya'y labindalawang taong gulang na. Labis na namangha ang lahat. 43 Mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag sabihin ang pangyayaring ito kaninuman. Pagkatapos, iniutos niyang pakainin ang bata.

Footnotes

  1. Marcos 5:1 Sa ibang manuskrito Gergeseno o Gadareno.
  2. Marcos 5:9 LEHIYON: Isang pangkat sa Hukbong Romano na binubuo ng 5,000 hanggang 6,000 kawal.
  3. Marcos 5:20 Sa Griyego, siya.
  4. Marcos 5:36 Sa ibang manuskrito narinig.
  5. Marcos 5:41 Sa ibang manuskrito cumi.

The Gerasene Demoniac

They came to the [a]other side of the sea, to the region of the Gerasenes.(A) When Jesus got out of the boat, immediately a man from the tombs with an unclean spirit met Him, and the man lived in the [b]tombs, and no one could bind him anymore, not even with chains. For he had often been bound with shackles [for the feet] and with chains, and he tore apart the chains and broke the shackles into pieces, and no one was strong enough to subdue and tame him. Night and day he was constantly screaming and shrieking among the tombs and on the mountains, and cutting himself with [sharp] stones. Seeing Jesus from a distance, he ran up and bowed down before Him [in homage]; and screaming with a loud voice, he said, “[c]What business do we have in common with each other, Jesus, Son of the Most High God? I implore you by God [swear to me], do not torment me!”(B) For Jesus had been saying to him, “Come out of the man, you unclean spirit!” He was asking him, “What is your name?” And he replied, “My name is Legion; for we are many.” 10 And he began begging Him repeatedly not to send them out of the region. 11 Now there was a large herd of pigs grazing there on the mountain. 12 And the demons begged Him, saying, “Send us to the pigs so that we may go into them!” 13 Jesus gave them permission. And the unclean spirits came out [of the man] and entered the pigs. The herd, numbering about two thousand, rushed down the steep bank into the sea; and they were drowned [one after the other] in the sea.

14 The herdsmen [tending the pigs] ran away and reported it in the city and in the country. And the people came to see what had happened. 15 They came to Jesus and saw the man who had been demon-possessed sitting down, clothed and in his right mind, the man who had [previously] had the “legion” [of demons]; and they were frightened. 16 Those who had seen it described [in detail] to the people what had happened to the demon-possessed man, and [told them all] about the pigs. 17 So the people began to beg with Jesus to leave their region. 18 As He was stepping into the boat, the [Gentile] man who had been demon-possessed was begging with Him [asking] that he might go with Him [as a disciple]. 19 Jesus did not let him [come], but [instead] He said to him, “Go home to your family and tell them all the great things that the Lord has done for you, and how He has had mercy on you.” 20 So he [obeyed and] went away and began to publicly proclaim in Decapolis [the region of the ten Hellenistic cities] all the great things that Jesus had done for him; and all the people were astonished.

Miracles and Healing

21 When Jesus had again crossed over in the boat to the other side [of the sea], a large crowd gathered around Him; and so He stayed by the seashore. 22 One of the synagogue officials named Jairus came up; and seeing Him, fell at His feet(C) 23 and begged anxiously with Him, saying, “My little daughter is at the point of death; [please] come and lay Your hands on her, so that she will be healed and live.” 24 And Jesus went with him; and a large crowd followed Him and pressed in around Him [from all sides].

25 A woman [in the crowd] had [suffered from] a hemorrhage for twelve years, 26 and had endured much [suffering] at the hands of many physicians. She had spent all that she had and was not helped at all, but instead had become worse. 27 She had heard [reports] about Jesus, and she came up behind Him in the crowd and touched His outer robe. 28 For she thought, “If I just touch His clothing, I will get well.” 29 Immediately her flow of blood was dried up; and she felt in her body [and knew without any doubt] that she was healed of her suffering. 30 Immediately Jesus, recognizing in Himself that power had gone out from Him, turned around in the crowd and asked, “Who touched My clothes?” 31 His disciples said to Him, “You see the crowd pressing in around You [from all sides], and You ask, ‘Who touched Me?’” 32 Still He kept looking around to see the woman who had done it. 33 And the woman, though she was afraid and trembling, aware of what had happened to her, came and fell down before Him and told Him the whole truth. 34 Then He said to her, “Daughter, your faith [your personal trust and confidence in Me] has restored you to health; go in peace and be [permanently] healed from your suffering.”

35 While He was still speaking, some people came from the synagogue official’s house, saying [to Jairus], “Your daughter has died; why bother the Teacher any longer?” 36 Overhearing what was being said, Jesus said to the synagogue official, “Do not be afraid; only keep on believing [in Me and my power].” 37 And He allowed no one to go with Him [as witnesses], except Peter and [d]James and John the brother of James. 38 They came to the house of the synagogue official; and He looked [with understanding] at the uproar and commotion, and people loudly weeping and wailing [in mourning]. 39 When He had gone in, He said to them, “Why make a commotion and weep? The child has not died, but is sleeping.” 40 They began laughing [scornfully] at Him [because they knew the child was dead]. But He made them all [e]go outside, and took along the child’s father and mother and His own [three] companions, and entered the room where the child was. 41 Taking the child’s hand, He said [tenderly] to her, “Talitha kum!”—which translated [from Aramaic] means, “Little girl, I say to you, get up!” 42 The little girl immediately got up and began to walk, for she was twelve years old. And immediately they [who witnessed the child’s resurrection] were overcome with great wonder and utter amazement. 43 He gave strict orders that no one should know about this, and He told them to give her something to eat.

Footnotes

  1. Mark 5:1 The southeastern region of the Sea of Galilee.
  2. Mark 5:3 These probably were burial places built above the ground, or natural caves in the hillside. Cave tombs often had two chambers, one of which remained empty as long as relatives were still alive. Such tombs frequently were used as shelter by lepers, demoniacs, and the poor.
  3. Mark 5:7 See note 1:24.
  4. Mark 5:37 The sons of Zebedee and Salome.
  5. Mark 5:40 Their lack of faith in Him made them unworthy to witness the miracle of resurrection.