Add parallel Print Page Options

Nanalangin si Jesus sa Getsemani(A)

32 Pagkatapos ay nagpunta sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin.” 33 Isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan. Nagsimula siyang mabagabag at mabahala. 34 Sinabi niya sa kanila, “Ang kalooban ko'y punung-puno ng kalungkutan, na halos ikamatay ko. Maghintay kayo at magbantay.” 35 Lumayo nang kaunti si Jesus at nagpatirapa sa lupa. Idinalangin niya na kung maaari'y huwag nang dumating ang kanyang oras. 36 Sinabi niya, “Abba,[a] Ama! Kaya mong gawin ang lahat. Ilayo mo ang kopang ito sa akin. Gayunman, hindi ang nais ko kundi ang nais mo ang masunod.” 37 Bumalik siya sa mga alagad at dinatnang sila'y natutulog. Sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi mo ba kayang magbantay kahit isang oras? 38 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo mahulog sa tukso. May pagnanais ang espiritu ngunit mahina ang laman.” 39 Umalis muli si Jesus, nanalangin at inulit ang kanyang kahilingan. 40 Nang bumalik siya sa mga alagad, sila'y muli niyang nadatnang natutulog dahil sila'y antok na antok. Hindi na nila alam ang isasagot sa kanya. 41 Sa ikatlo niyang pagbabalik ay sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin kayo at nagpapahinga? Tama na! Oras na! Ipinagkakanulo na ang Anak ng Tao sa kamay ng mga makasalanan. 42 Bumangon na kayo! Umalis na tayo. Tingnan ninyo, papalapit na ang magkakanulo sa akin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 14:36 Abba, salitang Aramaico na ibig sabihin ay Ama.