Add parallel Print Page Options

Balak Patayin si Jesus(A)

14 Dalawang (B) araw na lamang bago ang Paskuwa at ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Patuloy na naghanap ng paraan ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kung paano palihim na maipadadakip si Jesus at maipapatay. Sinabi nila, “Huwag sa panahon ng pista at baka magkagulo ang mga tao.”

Binuhusan ng Pabango si Jesus(C)

Samantalang (D) nasa Betania si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin, habang nakaupo siya sa may hapag-kainan ay dumating ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng pabango. Mamahalin ang pabangong ito na mula sa katas ng purong nardo. Binasag ng babae ang sisidlan at ibinuhos ang pabango sa ulo ni Jesus.

Read full chapter