Add parallel Print Page Options

31 Ang langit at ang lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.

Walang Taong Nakakaalam ng Araw o Oras na Iyon(A)

32 “Subalit (B) tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama. 33 Mag-ingat kayo at maging handa[a], sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang takdang panahon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 13:33 Sa ibang manuskrito may karugtong na “at manalangin”