Add parallel Print Page Options

Ang Pangunahing Utos(A)

28 Lumapit ang isang tagapagturo ng Kautusan at narinig ang kanilang pagtatalo. Nakita niyang mahusay ang pagsagot ni Jesus sa mga Saduceo, kaya siya ay nagtanong, “Ano ang pangunahing utos sa lahat?” 29 Sumagot (B) si Jesus, “Ang pangunahing utos ay ito: ‘Makinig ka, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos ay iisang Panginoon. 30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang iyong buong puso, nang iyong buong kaluluwa, nang iyong buong pag-iisip, at nang iyong buong lakas.’ 31 Ang (C) pangalawa ay ito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”

Read full chapter