Add parallel Print Page Options

Nasusulat (A) sa aklat ni propeta Isaias,

“Narito, ang aking sugo ay ipinadadala ko sa iyong unahan.[a]
    Siya ang maghahanda ng iyong daraanan.
Isang (B) tinig ang sumisigaw sa ilang:
    ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
    Tuwirin ninyo ang mga landas na kanyang lalakaran.’ ”

Dumating sa ilang si Juan na nagbabautismo at nangangaral tungkol sa bautismo ng pagsisisi tungo sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Pumupunta sa kanya ang lahat ng mga tao mula sa lupain ng Judea at sa Jerusalem. Ipinapahayag nila ang kanilang mga kasalanan at sila'y binabautismuhan niya sa Ilog Jordan. Nakadamit (C) si Juan ng balahibo ng kamelyo, at yari sa balat ang kanyang sinturon. Mga balang at pulot-pukyutan ang kanyang pagkain. Ganito ang kanyang ipinapangaral, “Dumarating na kasunod ko ang higit na makapangyarihan kaysa akin. At hindi man lamang ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga sandalyas. Binautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 1:2 Sa Griyego, sa unahan ng iyong mukha.