Marcos 1:10-12
Magandang Balita Biblia
10 Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang kalangitan at bumababa sa kanya ang Espiritu na tulad ng isang kalapati. 11 Narinig(A) niya ang isang tinig na mula sa langit at nagsasabing, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
Ang Pagtukso kay Jesus(B)
12 Pagkatapos, dinala agad ng Espiritu si Jesus sa ilang.
Read full chapter
Marcos 1:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Pagkaahon ni Jesus mula sa tubig, bigla niyang nakitang nabuksan ang kalangitan, habang ang Espiritu'y bumababa sa kanya tulad ng isang kalapati. 11 At (A) narinig mula sa kalangitan ang isang tinig, “Ikaw ang minamahal kong Anak, ikaw ang lubos kong kinalulugdan.”
12 Pagkatapos ay kaagad siyang pinapunta ng Espiritu sa ilang.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
