Add parallel Print Page Options

Kapanig Natin ang Hindi Laban sa Atin(A)

38 Sinabi sa kanya ni Juan, “Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng inyong pangalan. Pinagbawalan namin siya dahil hindi natin siya kasamahan.”

39 Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan sapagkat ang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ay hindi magsasalita ng masama laban sa akin pagkatapos gawin ito. 40 Sapagkat(B) ang sinumang hindi laban sa atin ay panig sa atin.

Read full chapter

Ang Hindi Laban sa Atin ay Panig sa Atin(A)

38 Sinabi sa kanya ni Juan, “Guro, nakakita kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa iyong pangalan. Pinagbawalan namin siya, sapagkat hindi siya sumasama sa atin.” 39 Ngunit sinabi ni Jesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan. Sapagkat walang taong gumagawa ng himala sa pamamagitan ng pangalan ko ang agad makapagsasalita ng masama tungkol sa akin. 40 Sapagkat (B) ang sinumang hindi laban sa atin ay panig sa atin.

Read full chapter