Add parallel Print Page Options

10 At si Judas Iscariote, na (A)isa sa labingdalawa, ay naparoon sa mga pangulong saserdote, upang maipagkanulo niya siya sa kanila.

11 At sila, pagkarinig nila nito, ay nangatuwa, at nagsipangakong siya'y bibigyan ng salapi. At pinagsikapan niya kung paanong siya ay kaniyang maipagkakanulo sa kapanahunan.

Read full chapter

Pumayag si Judas na Ipagkanulo si Jesus(A)

10 Pagkatapos, si Judas Iscariote, isa sa labindalawa, ay nagpunta sa mga punong pari upang ipagkanulo si Jesus sa kanila. 11 Natuwa ang mga punong pari nang marinig ito at nangakong bibigyan siya ng salapi. Mula noo'y naghanap na siya ng pagkakataong maipagkanulo si Jesus.

Read full chapter

At (A)pumasok (B)si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.

At siya'y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga (C)punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.

At sila'y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.

At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, (D)nang hindi kaharap ang karamihan.

Read full chapter

Pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labindalawa. Umalis siya at nakipag-usap sa mga punong pari at mga pinuno ng mga bantay sa templo kung paano niya maipagkakanulo sa kanila si Jesus. Natuwa sila at nagkasundong bigyan ng salapi si Judas. Pumayag naman ito at naghanap ng pagkakataong ipagkanulo si Jesus sa kanila nang lingid sa maraming tao.

Read full chapter