Add parallel Print Page Options

13 At paglabas niya sa templo, ay sinabi (A)sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, Guro, masdan mo, pagkaiinam ng mga bato, at pagkaiinam na mga gusali!

At sinabi ni Jesus sa kaniya, Nakikita mo baga ang malalaking gusaling ito? walang matitira ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato na di ibabagsak.

At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo sa tapat ng templo, ay tinanong siya ng lihim (B)ni Pedro at ni Santiago at ni Juan at ni Andres,

Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.

Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.

At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.

Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili: (C)sapagka't kayo'y ibibigay nila sa mga Sanedrin; at kayo'y hahampasin sa mga sinagoga; at kayo'y magsisitindig sa harap ng mga gobernador at ng mga hari dahil sa akin, na bilang patotoo sa kanila.

10 At (D)sa lahat ng mga bansa ay kinakailangan munang maipangaral ang evangelio.

11 At pagka kayo'y dinala sa harap ng mga kapulungan, at kayo'y ibigay, ay (E)huwag kayong mangabalisa kung ano ang inyong sasabihin: datapuwa't ang ipagkaloob sa inyo sa oras na yaon, ay siya ninyong sabihin; sapagka't hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu Santo.

12 At ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay.

13 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan: datapuwa't (F)ang magtitiis hanggang sa wakas, ay siyang maliligtas.

14 Nguni't pagkakita ninyo (G)ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:

15 At ang nasa bubungan ay huwag bumaba, ni pumasok, upang maglabas ng anoman sa kaniyang bahay:

16 At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal.

17 Datapuwa't sa aba ng nangagdadalangtao at ng nangagpapasuso sa mga araw na yaon!

18 At magsipanalangin kayo na ito'y huwag mangyari sa panahong taginaw.

19 Sapagka't ang mga araw na yaon ay magiging kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng paglalang na nilikha ng Dios hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man.

20 At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga hirang, na kaniyang hinirang, ay pinaikli niya ang mga araw.

21 At kung magkagayon kung may magsabi (H)sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan:

22 Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang.

23 Datapuwa't mangagingat kayo: narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo ang lahat ng mga bagay.

24 Ngunit sa mga araw na yaon, (I)pagkatapos ng kapighatiang yaon, ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,

25 At mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

26 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na napariritong nasa mga alapaap na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian.

27 At kung magkagayo'y susuguin niya ang mga anghel, at titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa wakas ng lupa hanggang sa dulo ng langit.

28 Sa puno nga ng igos ay pagaralan ninyo (J)ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;

29 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.

31 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

32 Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay (K)walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.

33 Kayo'y mangagingat, (L)mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.

34 Gaya (M)ng isang tao na nanirahan sa ibang lupain, na pagkaiwan ng kaniyang bahay, at pagkabigay ng kapamahalaan sa kaniyang mga alipin, sa bawa't isa'y ang kaniyang gawain, ay nagutos din naman sa bantay-pinto na magpuyat.

35 Mangagpuyat nga kayo: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay, kung sa hapon, o sa hating gabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga;

36 Baka kung biglang pumarito ay kayo'y mangaratnang nangatutulog.

37 At ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat, Mangagpuyat kayo.

Read full chapter

Sinabi ang Pagkawasak ng Templo(A)

13 Nang lumabas si Jesus sa Templo, sinabi sa kanya ng isa sa mga alagad, “Guro, tingnan po ninyo! Napakalaki ng mga bato at napakaganda ng mga gusali!” Sinabi ni Jesus, “Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? Wala ni isa mang bato dito ang matitirang nakapatong sa ibabaw ng isa pang bato. Iguguho ang lahat na iyan!”

Mga Kaguluhan at Pag-uusig na Darating(B)

Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, sarilinan siyang tinanong nina Pedro, Santiago, Juan, at Andres, “Maaari po bang sabihin ninyo kung kailan mangyayari ang mga ito at ano ang magiging palatandaan na malapit nang mangyari ang lahat ng mga ito?” Sinabi ni Jesus, “Mag-ingat kayo na hindi kayo mailigaw ninuman. Marami ang darating na gumagamit ng aking pangalan at magsasabing sila ang Cristo at ililigaw nila ang marami. Huwag kayong mababahala kapag nakarinig kayo ng mga digmaan at mga balita tungkol sa digmaan. Kailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. Maglalaban-laban ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng mga lindol at taggutom sa iba't ibang lugar. Pasimula lamang ang mga ito ng paghihirap tulad ng sa panganganak. Mag-ingat (C) kayo! Dadalhin kayo sa mga hukuman at hahampasin sa mga sinagoga. Ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari upang sa kanila'y magpatotoo kayo alang-alang sa akin. 10 Kailangan munang maipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng mga bansa. 11 Kapag kayo'y dinala nila at iharap sa paglilitis, huwag kayong mag-alala kung ano ang inyong sasabihin. Sabihin ninyo ang ipagkakaloob sa inyo sa oras na iyon sapagkat hindi na kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu. 12 Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay. Gayon din ang sa kanyang anak. Maghihimagsik ang mga anak laban sa kanilang mga magulang at ang mga ito'y ipapapatay. 13 Kamumuhian (D) kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. Ngunit ang magtiis hanggang wakas ay siyang maliligtas.

Ang Matinding Kapighatian(E)

14 “Ngunit (F) kapag nakita na ninyo ang karumal-dumal na paglapastangan na nakatayo sa dakong hindi niya dapat kalagyan (unawain ito ng bumabasa), dapat nang tumakas ang mga nasa Judea patungo sa kabundukan. 15 Ang (G) nasa ibabaw ng bahay ay huwag nang bumaba o pumasok ng bahay upang kumuha ng anuman. 16 Ang nasa bukirin ay huwag nang bumalik upang kunin ang kanyang balabal. 17 Kawawa ang mga nagdadalang-tao at mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 18 Ipanalangin ninyo na huwag itong mangyari sa taglamig. 19 Sapagkat (H)magkakaroon sa mga araw na iyon ng kapighatiang walang kapantay, na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, at wala nang mararanasang tulad nito kailanman. 20 Malibang paikliin ng Panginoon ang araw na iyon ay walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang na kanyang tinawag, pinaikli niya ang mga araw na iyon. 21 Kung may magsabi sa inyo, ‘Tingnan ninyo! Narito ang Cristo!’ o kaya'y, ‘Tingnan ninyo! Naroon siya!’ huwag kayong maniwala. 22 Sapagkat lilitaw ang mga huwad na Cristo at ang mga huwad na propeta. Magpapakita sila ng mga himala at mga kababalaghan upang kung maaari'y mailigaw nila ang mga hinirang. 23 Kaya mag-ingat kayo! Sinabi ko na sa inyo ang lahat bago pa ito mangyari.

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(I)

24 “Ngunit (J) pagkatapos ng kapighatiang iyon, magdidilim ang araw at hindi magliliwanag ang buwan, 25 at (K) malalaglag ang mga bituin mula sa kalangitan, at mayayanig ang mga panlangit na kapangyarihan. 26 At (L) ang Anak ng Tao ay makikitang dumarating na nasa ulap, may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 At pagkatapos ay isusugo niya ang kanyang mga anghel at titipunin ang kanyang mga hinirang mula sa apat na sulok, mula sa dulo ng lupa hanggang sa dulo ng langit.

Ang Aral mula sa Puno ng Igos(M)

28 “Unawain ninyo ang aral mula sa punong igos: Kapag nananariwa ang mga sanga nito, at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 29 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari ang mga ito, alam ninyong malapit na, nasa mga pintuan na. 30 Tinitiyak ko sa inyo na hindi lilipas ang lahing ito hanggang maganap ang mga ito. 31 Ang langit at ang lupa ay lilipas ngunit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.

Walang Taong Nakakaalam ng Araw o Oras na Iyon(N)

32 “Subalit (O) tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, maliban sa Ama. 33 Mag-ingat kayo at maging handa[a], sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang takdang panahon. 34 Tulad (P) nito ay isang taong umalis upang maglakbay. Sa pag-alis niya'y iniwan niya sa kanyang mga alipin ang pamamahala. Binigyan niya ng tungkulin ang bawat isa, at inutusan ang tanod sa pinto na magbantay. 35 Kaya nga magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan babalik ang panginoon ng sambahayan, kung sa gabi, sa hatinggabi, sa pagtilaok ng manok, o sa pagbubukang-liwayway. 36 Baka bigla siyang dumating at madatnan niya kayong natutulog. 37 Anumang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat: Magbantay kayo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Marcos 13:33 Sa ibang manuskrito may karugtong na “at manalangin”

At samantalang sinasalita (A)ng ilan ang tungkol sa templo, kung paanong ito'y pinalamutihan ng magagandang bato at mga hain, ay kaniyang sinabi,

Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nangakikita, ay darating ang mga araw, (B)na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak.

At kanilang itinanong sa kaniya, na sinasabi, Guro, kailan nga mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng mangyari ang mga bagay na ito?

At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: (C)sapagka't marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila.

At pagka kayo'y nangakarinig ng mga digmaan at mga kaguluhan, ay huwag kayong mangasindak: sapagka't kinakailangang mangyari muna ang mga bagay na ito; datapuwa't hindi (D)pa malapit ang wakas.

10 Nang magkagayo'y sinabi niya sa kanila, Magtitindig ang isang bansa laban sa bansa, at ang isang kaharian laban sa kaharian;

11 At magkakaroon ng malalakas na lindol, at sa iba't ibang dako ay magkakagutom at magkakasalot; at magkakaroon ng mga bagay na kakilakilabot, at ng mga dakilang tanda mula sa langit.

12 Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin (E)kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at (F)sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.

13 Ito'y magiging patotoo (G)sa inyo.

14 Pagtibayin nga ninyo ang inyong mga puso, (H)na huwag munang isipin kung paano ang inyong isasagot:

15 Sapagka't bibigyan ko kayo ng (I)isang bibig at karunungan, na hindi mangyayaring masalangsang o matutulan man ng lahat ninyong mga kaalit.

16 Datapuwa't kayo'y ibibigay ng kahit mga magulang, at mga kapatid, at mga kamaganak, at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang iba sa inyo.

17 At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan.

18 At hindi mawawala kahit (J)isang buhok ng inyong ulo.

19 Sa inyong (K)pagtitiis ay maipagwawagi ninyo ang inyong mga kaluluwa.

20 Datapuwa't pagka nangakita ninyong (L)nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang (M)pagkawasak ay malapit na.

21 Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; (N)at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.

22 Sapagka't ito ang mga araw ng paghihiganti, (O)upang maganap ang lahat ng mga bagay na nangasusulat.

23 Sa aba ng mga nagdadalang-tao, at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon! sapagka't magkakaroon ng malaking kahapisan sa ibabaw ng lupa, at kagalitan sa bayang ito.

24 At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at (P)yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, (Q)hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

25 At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa'y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong;

26 Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka't mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit.

27 At kung magkagayo'y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.

28 Datapuwa't kung magpasimulang mangyari ang mga bagay na ito, ay magsitingin kayo, at itaas ninyo ang inyong mga ulo; sapagka't malapit na ang pagkatubos ninyo.

29 At sinalita niya sa kanila ang isang talinghaga: Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punong kahoy:

30 Pagka nangagdadahon na sila, ay nakikita ninyo at nalalaman ninyo sa inyong sarili na malapit na ang tagaraw.

31 Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Dios.

32 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

33 Ang langit at ang lupa ay lilipas: datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at (R)dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:

35 Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.

36 (S)Datapuwa't mangagpuyat kayo sa bawa't panahon, (T)na mangagsidaing, upang kamtin ninyo ang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang (U)mangakatayo kayo sa harapan ng Anak ng tao.

Read full chapter

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagkawasak ng Templo(A)

Samantalang nag-uusap ang ilan tungkol sa templo, kung paano ito nagagayakan ng magagandang bato at ng mga handog, sinabi ni Jesus, “Darating ang panahon na lahat ng nakikita ninyong ito ay iguguho, at walang bato na makikitang nasa ibabaw ng isa pang bato.”

Mga Tanda at Pag-uusig na Darating(B)

Tinanong ng mga alagad si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari ang mga ito? At ano ang magiging tanda na malapit nang mangyari ang mga ito?” At sinabi niya, “Mag-ingat kayo upang hindi mailigaw ng sinuman. Sapagkat marami ang darating na gumagamit ng aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo!’[a] at ‘Malapit na ang panahon!’ Huwag kayong susunod sa kanila. At kapag nakarinig kayo ng mga digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong matakot, sapagkat kailangan munang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa kaagad darating ang wakas.” 10 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Makikidigma ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. 11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, mga taggutom at mga salot sa iba't ibang dako; at mula sa langit ay lilitaw ang mga kakila-kilabot at dakilang tanda. 12 Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, dadakpin muna nila kayo at uusigin. Dadalhin nila kayo sa mga sinagoga at mga bilangguan, at dahil sa aking pangalan ay ihaharap kayo sa mga hari at mga gobernador. 13 Magbibigay sa inyo ito ng pagkakataon upang magpatotoo. 14 Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili. 15 Sapagkat ako ang magkakaloob sa inyo ng sasabihin at karunungan na hindi matututulan o mapabubulaanan ng lahat ng mga sumasalungat sa inyo. 16 Ipagkakanulo kayo maging ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. 17 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. 18 Ngunit kahit isang hibla ng buhok ninyo sa ulo ay hinding-hindi malalagas. 19 Makakamit ninyo ang inyong buhay dahil sa inyong pagtitiis.”

Sinabi ni Jesus ang tungkol sa Pagbagsak ng Jerusalem(C)

20 “Kapag nakita ninyong napalilibutan ng mga hukbo ang Jerusalem, alam ninyong malapit na ang pagkawasak nito. 21 Kaya't ang mga nasa Judea ay tumakas na patungo sa bundok at ang mga nasa loob ng lungsod ay lumabas mula rito, at ang mga nasa bukid sa palibot nito ay huwag nang pumasok pa. 22 Sapagkat ito ang mga araw ng kaparusahan, bilang katuparan ng lahat ng mga naisulat. 23 Kaysaklap ng sasapitin ng mga nagdadalang-tao at nagpapasuso sa mga araw na iyon. Magkakaroon ng matinding pagdurusa sa lupain at poot laban sa bayang ito. 24 Mamamatay ang ilan sa pamamagitan ng patalim at ang iba'y dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa; at yuyurakan ng mga Hentil ang Jerusalem hanggang matupad ang mga panahon ng mga Hentil.”

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(D)

25 “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. At sa lupa, mababagabag ang mga bansa at ikalilito nila ang ugong at daluyong ng dagat. 26 Hihimatayin ang mga tao sa takot at mangangamba dahil sa mga darating sa daigdig sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalangitan. 27 Pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa alapaap at may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 At kapag nagsimula na ang mga ito, tumayo kayo at itingala ang inyong ulo sapagkat malapit na ang pagtubos sa inyo.”

Ang Aral tungkol sa Puno ng Igos(E)

29 At isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga, “Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ang mga ito, nakikita ninyo at nalalaman ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman kayo; kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, alam ninyong nalalapit na ang paghahari ng Diyos. 32 Tinitiyak ko sa inyo: hinding-hindi lilipas ang salinlahing ito hangga't hindi nagaganap ang lahat. 33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit hinding-hindi lilipas ang aking mga salita.”

Kailangang Magbantay

34 “Mag-ingat kayo upang hindi magumon ang inyong mga puso sa katakawan, at paglalasing, at sa mga alalahanin sa buhay. Baka bigla na lang sumapit ang araw na iyon 35 na parang isang bitag. Sapagkat darating ito sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa. 36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Idalangin ninyong magkaroon kayo ng lakas upang makatakas kayo sa lahat ng mangyayaring ito at tumayo sa harap ng Anak ng Tao.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 21:8 Ako ang Cristo: Sa Griyego, Ako siya.