Mangangaral 7:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Huwag kang magpapakalabis ng kabutihan o kasamaan. Sa anumang kalagayan mo, magtatagumpay ka kung may takot ka sa Diyos.
19 Higit ang magagawa ng karunungan ng isang tao, kaysa magagawa ng sampung hari sa isang lunsod.
20 Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
Read full chapter
Eclesiastes 7:18-20
Ang Biblia (1978)
18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon.
19 Karunungan ay (A)kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan.
20 Tunay na (B)walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978