Luke 5
Living Bible
5 One day as he was preaching on the shore of Lake Gennesaret, great crowds pressed in on him to listen to the Word of God. 2 He noticed two empty boats standing at the water’s edge while the fishermen washed their nets. 3 Stepping into one of the boats, Jesus asked Simon, its owner, to push out a little into the water, so that he could sit in the boat and speak to the crowds from there.
4 When he had finished speaking, he said to Simon, “Now go out where it is deeper and let down your nets and you will catch a lot of fish!”
5 “Sir,” Simon replied, “we worked hard all last night and didn’t catch a thing. But if you say so, we’ll try again.”
6 And this time their nets were so full that they began to tear! 7 A shout for help brought their partners in the other boat, and soon both boats were filled with fish and on the verge of sinking.
8 When Simon Peter realized what had happened, he fell to his knees before Jesus and said, “Oh, sir, please leave us—I’m too much of a sinner for you to have around.” 9 For he was awestruck by the size of their catch, as were the others with him, 10 and his partners too—James and John, the sons of Zebedee. Jesus replied, “Don’t be afraid! From now on you’ll be fishing for the souls of men!”
11 And as soon as they landed, they left everything and went with him.
12 One day in a certain village he was visiting, there was a man with an advanced case of leprosy. When he saw Jesus, he fell to the ground before him, face downward in the dust, begging to be healed.
“Sir,” he said, “if you only will, you can clear me of every trace of my disease.”
13 Jesus reached out and touched the man and said, “Of course I will. Be healed.” And the leprosy left him instantly! 14 Then Jesus instructed him to go at once without telling anyone what had happened and be examined by the Jewish priest. “Offer the sacrifice Moses’ law requires for lepers who are healed,” he said. “This will prove to everyone that you are well.” 15 Now the report of his power spread even faster and vast crowds came to hear him preach and to be healed of their diseases. 16 But he often withdrew to the wilderness for prayer.
17 One day while he was teaching, some Jewish religious leaders[a] and teachers of the Law were sitting nearby. (It seemed that these men showed up from every village in all Galilee and Judea, as well as from Jerusalem.) And the Lord’s healing power was upon him.
18-19 Then—look! Some men came carrying a paralyzed man on a sleeping mat. They tried to push through the crowd to Jesus but couldn’t reach him. So they went up on the roof above him, took off some tiles, and lowered the sick man down into the crowd, still on his sleeping mat, right in front of Jesus.
20 Seeing their faith, Jesus said to the man, “My friend, your sins are forgiven!”
21 “Who does this fellow think he is?” the Pharisees and teachers of the Law exclaimed among themselves. “This is blasphemy! Who but God can forgive sins?”
22 Jesus knew what they were thinking, and he replied, “Why is it blasphemy? 23-24 I, the Messiah,[b] have the authority on earth to forgive sins. But talk is cheap—anybody could say that. So I’ll prove it to you by healing this man.” Then, turning to the paralyzed man, he commanded, “Pick up your stretcher and go on home, for you are healed!”
25 And immediately, as everyone watched, the man jumped to his feet, picked up his mat and went home praising God! 26 Everyone present was gripped with awe and fear. And they praised God, remarking over and over again, “We have seen strange things today.”
27 Later on as Jesus left the town he saw a tax collector—with the usual reputation for cheating—sitting at a tax collection booth. The man’s name was Levi. Jesus said to him, “Come and be one of my disciples!” 28 So Levi left everything, sprang up, and went with him.
29 Soon Levi held a reception in his home with Jesus as the guest of honor. Many of Levi’s fellow tax collectors and other guests were there.
30 But the Pharisees and teachers of the Law complained bitterly to Jesus’ disciples about his eating with such notorious sinners.
31 Jesus answered them, “It is the sick who need a doctor, not those in good health. 32 My purpose is to invite sinners to turn from their sins, not to spend my time with those who think themselves already good enough.”
33 Their next complaint was that Jesus’ disciples were feasting instead of fasting. “John the Baptist’s disciples are constantly going without food and praying,” they declared, “and so do the disciples of the Pharisees. Why are yours wining and dining?”
34 Jesus asked, “Do happy men fast? Do wedding guests go hungry while celebrating with the groom? 35 But the time will come when the bridegroom will be killed;[c] then they won’t want to eat.”
36 Then Jesus used this illustration: “No one tears off a piece of a new garment to make a patch for an old one. Not only will the new garment be ruined, but the old garment will look worse with a new patch on it! 37 And no one puts new wine into old wineskins, for the new wine bursts the old skins, ruining the skins and spilling the wine. 38 New wine must be put into new wineskins. 39 But no one after drinking the old wine seems to want the fresh and the new. ‘The old ways are best,’ they say.”
Lucas 5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagtawag sa mga Unang Alagad(A)
5 Samantalang si Jesus ay nakatayo sa baybay ng lawa ng Genesaret at habang nag-uunahang palapit sa kanya ang mga tao upang makinig sa salita ng Diyos, 2 nakita niya ang dalawang bangkang nakadaong sa tabi ng lawa. Wala na sa mga bangka ang mga mangingisda dahil naghuhugas na ng kanilang mga lambat. 3 Sinakyan niya ang bangka na pag-aari ni Simon. Hiniling niya kay Simon na sumagwan nang kaunti palayo sa lupa. Umupo siya at nagturo sa mga tao mula sa bangka. 4 Nang matapos siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, “Dumako kayo sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.” 5 Sumagot si Simon, “Ginoo, buong magdamag po kaming nagtiyaga ngunit wala kaming nahuli. Subalit dahil sa inyong utos, ihuhulog ko ang lambat.” 6 Pagkagawa nila nito, nakahuli sila ng napakaraming isda na halos ikapunit ng kanilang mga lambat. 7 Kaya't kinawayan nila ang kanilang mga kasamahan sa kabilang bangka upang lumapit at tumulong sa kanila. Lumapit nga ang mga ito at pinuno nila ang dalawang bangka hanggang sa halos lumubog na ang mga ito. 8 Nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa harap ni Jesus habang sinasabi, “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako'y taong makasalanan.” 9 Sapagkat siya at ang lahat ng kanyang mga kasama ay namangha dahil sa nahuli nilang mga isda, 10 gayundin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga kasosyo ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot. Mula ngayon, ikaw ay magiging tagapangisda na ng mga tao.” 11 Nang maidaong na nila sa lupa ang mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.
Pinagaling ang Isang Ketongin(B)
12 Minsan ay nasa isang bayan si Jesus nang dumating ang isang lalaking punung-puno ng ketong. Pagkakita nito kay Jesus, patirapa itong nakiusap sa kanya, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako ay mapagagaling ninyo.” 13 Iniunat ni Jesus ang kanyang kamay, hinawakan ang lalaki at sinabi, “Nais ko, gumaling ka!” At agad nawala ang ketong ng lalaki. 14 Pinagbilinan ni Jesus ang lalaki, “Huwag mo itong ipagsasabi kaninuman. Humayo ka at ipasuri mo ang iyong sarili sa pari, at mag-alay ng ayon sa iniutos ni Moises tungkol sa iyong pagkalinis bilang patotoo sa kanila.” 15 Ngunit lalong kumalat ang balita tungkol kay Jesus at pinagkaguluhan siya ng napakaraming tao upang makinig at magpagamot ng kanilang mga karamdaman. 16 Ngunit siya ay umiwas patungong ilang at nanalangin.
Pinagaling ang Isang Paralitiko(C)
17 Isang araw, habang siya ay nagtuturo, nakaupong malapit ang mga Fariseo at mga tagapagturo ng Kautusan. Nagmula pa sila sa bawat nayon ng Galilea, Judea, at Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nakay Jesus upang makapagpagaling. 18 At dumating ang mga lalaking may dalang isang lalaking paralitiko na nakaratay sa higaan. Sinikap nilang maipasok ito at mailagay sa harapan ni Jesus. 19 Ngunit dahil sa dami ng tao ay hindi nila malaman kung paano ito mailalapit sa kanya. Kaya't umakyat sila sa bubungan, tinuklap ang bubong na tisa at sa harapan ni Jesus sa gitna ng silid ay ibinaba ang lalaking nakahiga sa higaan. 20 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya ay sinabi niya, “Lalaki, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.” 21 Kaya't nagsimulang magtanong ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga Fariseo, “Sino ba itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Sino ba ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?” 22 Ngunit batid ni Jesus ang kanilang mga iniisip kaya't sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? 23 Alin ba ang mas madali? Ang sabihing, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad?’ 24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan,” sinabi niya sa paralitiko, “Sinasabi ko sa iyo, tumindig ka at umuwi ka na sa iyong bahay na dala ang iyong higaan.” 25 Kaagad tumayo ang lalaki sa harapan nila, binuhat ang kanyang higaan, at umuwing nagpupuri sa Diyos. 26 Binalot ng pagkamangha ang lahat at pinuri nila ang Diyos. Napuno sila ng takot at nagsabing, “Kamangha-manghang mga bagay ang nasaksihan natin ngayon!”
Ang Pagtawag kay Levi(D)
27 Pagkatapos ng mga ito ay umalis si Jesus at nakita niya ang isang maniningil ng buwis na ang pangalan ay Levi. Nakaupo ito sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin!” 28 Tumayo si Levi, iniwan ang lahat at sumunod kay Jesus. 29 Ipinaghanda siya ni Levi sa bahay nito ng isang malaking piging. Kasalo nila roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya't nagreklamo sa mga alagad ni Jesus ang mga Fariseo at kanilang mga tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila, “Bakit kayo nakikisalo at umiinom sa piling ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?” 31 Sumagot sa kanila si Jesus, “Hindi ang malulusog ang nangangailangan sa manggagamot kundi ang mga maysakit. 32 Hindi ako pumarito upang tawaging magsisi ang matutuwid kundi ang mga makasalanan.”
Ang Tanong tungkol sa Pag-aayuno(E)
33 Sinabi ng ilan kay Jesus, “Madalas mag-ayuno at manalangin ang mga alagad ni Juan. Gayundin naman ang sa mga Fariseo. Ngunit ang mga alagad mo ay kumakain at umiinom.” 34 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Dapat bang pag-ayunuhin ninyo ang mga abay ng ikakasal habang kapiling nila ang lalaking ikakasal? 35 Ngunit darating din naman ang mga araw kung kailan ilalayo sa kanila ang lalaking ikakasal. Sa mga araw na iyon pa lamang sila mag-aayuno.” 36 At sinabi niya sa kanila ang isang talinghaga, “Walang pumupunit ng bagong damit at ipinantatagpi iyon sa lumang damit. Kung gagawin iyon, masisira ang bago at ang tagping mula sa bago ay hindi babagay sa luma. 37 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Papuputukin lamang ng bagong alak ang sisidlang balat. Matatapon lang ang alak at masisira ang sisidlan. 38 Sa halip, dapat ilagay ang bagong alak sa bagong sisidlang balat. 39 At walang sinuman na matapos uminom ng lumang alak ang magnanais ng bagong alak. Sa halip, sasabihin niyang, ‘Mas masarap ang lumang alak.’ ”
The Living Bible copyright © 1971 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers Inc., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.