Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Herodes: Pinapugutan ko na ng ulo si Juan. Sino ito na patungkol sa kaniya, ang mga bagay na ito ay naririnig ko. At hinangad niyang makita si Jesus.

Pinakain ni Jesus ang Limang Libong Lalaki

10 Pagbalik ng mga apostol, isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng ginawa nila. At sila ay isinama niya at pumunta nang bukod sa isang ilang na dako sa lungsod na tinatawag na Betsaida.

11 Nang malaman ito ng mga tao, sumunod sila sa kaniya. Tinanggap niya sila at nagsalita siya sa kanila patungkol sa paghahari ng Diyos. Ang mga nangangailangan ng kagalingan ay pinagaling niya.

Read full chapter