Add parallel Print Page Options

Naguluhan si Herodes

Sa mga panahong iyon narinig ni Herodes na tetrarka ang lahat ng mga bagay na ginagawa ni Jesus. Naguluhan siya dahil sinabi ng ilan na si Juan ay bumangon mula sa mga patay.

Ang ilan ay nagsabi na nagpakita siElias. Ang iba ay nagsabi na muling nabuhay ang isa sa mga propeta nang unang panahon. Sinabi ni Herodes: Pinapugutan ko na ng ulo si Juan. Sino ito na patungkol sa kaniya, ang mga bagay na ito ay naririnig ko. At hinangad niyang makita si Jesus.

Pinakain ni Jesus ang Limang Libong Lalaki

10 Pagbalik ng mga apostol, isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng ginawa nila. At sila ay isinama niya at pumunta nang bukod sa isang ilang na dako sa lungsod na tinatawag na Betsaida.

11 Nang malaman ito ng mga tao, sumunod sila sa kaniya. Tinanggap niya sila at nagsalita siya sa kanila patungkol sa paghahari ng Diyos. Ang mga nangangailangan ng kagalingan ay pinagaling niya.

12 Nang magtatakip-silim na, lumapit sa kaniya ang labindalawang apostol. Sinabi nila sa kaniya: Paalisin mo na ang mga tao upang sila ay pumunta sa mga nayon, sa palibot at sa bayan. Ito ay upang may matuluyan sila at makahanap ng makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na pook.

13 Ngunit sinabi niya sa kanila: Bigyan ninyo sila ng makakain.

Sinabi nila: Mayroon lamang kaming limang tinapay at dalawang isda. Maliban na lang na kami ay umalis at bumili ng pagkain para sa lahat ng mga taong ito.

14 Ito ay sapagkat may mga limang libong lalaki ang naroroon.

Sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Paupuin ninyo sila sa pulutongna tiglilimampu.

15 Ginawa nila ang gayon at pinaupo nila ang lahat. 16 Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda. Sa pagtingin niya sa langit, pinagpala niya ito. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa mga tao. 17 Kumain sila at lahat ay nabusog. Kinuha nila ang mga piraso na lumabis sa kanila, ito ay labindalawang bakol.

Ang Pahayag ni Pedro Patungkol sa Mesiyas

18 Nang si Jesus ay nananalanging mag-isa, nangyari na ang kaniyang mga alagad ay naroroon. Tinanong niya sila. Sinabi niya: Ayon sa sinasabi ng mga tao, sino raw ako?

19 Sumagot sila at sinabi: Si Juan na tagapagbawtismo. Ang sabi ng ilan: Si Elias. Ang sabi ng iba: Isa sa mga propeta ng unang panahon na nabuhay muli.

20 Sinabi niya sa kanila: Ano ang sabi ninyo, sino ako? Pagsagot ni Pedro, sinabi niya: Ang Mesiyas[a]ng Diyos.

21 Mahigpit niyang ipinagbilin sa kanila na huwag itongsabihin sa kaninuman. 22 Sinabi niya: Kinakailangang ang Anak ng tao ay dumanas ng maraming bagay. At siya ay tanggihan ng mga matanda at mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan. Siya ay papatayin at ibabangon sa ikatlong araw.

Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin

23 Sinabi niya sa lahat: Kung ang sinuman magnanais na sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili. Pasanin niya araw-araw ang kaniyang krus at sumunod sa akin.

24 Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay aymawawala niya ito. Ang sinumang mawalan ng buhay alang-alang sa akin ay maililigtas niya ito. 25 Ito ay sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao kung matamo man niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kaniyang sarili? 26 Ang sinumang magmakahiya sa akin at sa akingmga salita ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao sa pagparito niya sa kaniyang kaluwalhatian, at ng Ama at ng mga banal na anghel. 27 Katoto­­hanang sinasabi ko sa inyo: Mayroong ilang mga nakatayo dito na kailanman ay hindi makakaranas ng kamatayan hanggang sa makita nila ang paghahari ng Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Lucas 9:20 Mesiyas sa Hebreo, Cristo sa Griyego, na ang kahulugan ay Pinahiran.