Lucas 9:24-26
Ang Salita ng Diyos
24 Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay aymawawala niya ito. Ang sinumang mawalan ng buhay alang-alang sa akin ay maililigtas niya ito. 25 Ito ay sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao kung matamo man niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kaniyang sarili? 26 Ang sinumang magmakahiya sa akin at sa akingmga salita ay ikahihiya rin ng Anak ng Tao sa pagparito niya sa kaniyang kaluwalhatian, at ng Ama at ng mga banal na anghel.
Read full chapter
Lucas 9:24-26
Ang Biblia (1978)
24 Sapagka't ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa't sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.
25 Sapagka't (A)ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan, at mawawala o mapapahamak ang kaniyang sarili?
26 Sapagka't (B)ang sinomang magmakahiya sa akin at sa aking mga salita, ay ikahihiya siya ng Anak ng tao, pagparito niyang nasa kaniyang sariling kaluwalhatian, at sa kaluwalhatian ng Ama, at ng mga banal na anghel.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
