Lucas 8:9-11
Ang Dating Biblia (1905)
9 At tinanong siya ng kaniyang mga alagad, kung ano kaya ang talinghagang ito.
10 At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.
11 Ito ang talinghaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios.
Read full chapter
Lucas 8:9-11
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Layunin ng mga Talinghaga(A)
9 Tinanong si Jesus ng kanyang mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinghagang ito. 10 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang hiwaga ng paghahari ng Diyos, ngunit sa iba ay sa talinghaga ako mangungusap. Kaya't sa pagtingin ay hindi sila makakakita at sa pakikinig ay hindi sila makauunawa.”
Ipinaliwanag ni Jesus ang Talinghaga ng Manghahasik(B)
11 “Ngayon, ito ang kahulugan ng talinghaga. Ang binhi ay ang salita ng Diyos.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.