Font Size
Lucas 8:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 8:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pinayapa ni Jesus ang Unos(A)
22 Isang araw, sumakay si Jesus at ang kanyang mga alagad sa isang bangka. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabilang pampang ng lawa.” At naglayag naman sila. 23 Sa kanilang paglalakbay ay nakatulog siya. Bumugso ang isang unos at napuno ng tubig ang bangka at sila ay nanganib. 24 Kaya't nilapitan nila siya at ginising, “Guro! Guro! Mamamatay na tayo!” Gumising siya at sinaway niya ang hangin at ang mga nagngangalit na alon sa lawa. Humupa naman ang mga ito at pumayapa.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.