Add parallel Print Page Options

22 Kaya't sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Humayo kayo at ibalita ninyo kay Juan ang inyong mga nakita at narinig: Nakakakitang muli ang mga bulag, nakalalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ibinabahagi sa mahihirap ang mabuting balita. 23 Pinagpapala ang taong hindi mag-aalinlangan sa akin.” 24 Nang makaalis ang mga isinugo ni Juan ay nagsimulang magsabi si Jesus sa mga tao ng tungkol kay Juan, “Ano ang sinadya ninyo sa ilang upang makita? Isang tambo na idinuduyan ng hangin?

Read full chapter