Lucas 4
Magandang Balita Biblia
Ang Pagtukso kay Jesus(A)
4 Mula sa Jordan, bumalik si Jesus na puspos ng Espiritu Santo. Dinala siya ng Espiritu sa ilang 2 at sa loob ng apatnapung araw ay tinukso siya ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa buong panahong iyon, kaya't siya'y nagutom.
3 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, iutos mong maging tinapay ang batong ito.”
4 Ngunit(B) sinagot ito ni Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao [kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos].[a]’”
5 Dinala siya ng diyablo sa isang mataas na lugar, at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa daigdig. 6 Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kapangyarihan at kadakilaan ng mga ito. Ipinagkaloob ang lahat ng ito sa akin, at maaari kong ibigay kung kanino ko gusto. 7 Kaya't kung ako'y sasambahin mo, magiging iyo na ang lahat ng ito.”
8 Sumagot(C) si Jesus, “Nasusulat,
‘Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin,
at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’”
9 Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka 10 dahil(D) nasusulat,
‘Sa kanyang mga anghel, ika'y ipagbibilin,
sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,’
11 at
‘Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masaktan.’”
12 Subalit(E) sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos!’”
13 Pagkatapos tuksuhin si Jesus sa lahat ng paraan, umalis na ang diyablo at naghintay ng ibang pagkakataon.
Ang Pasimula ng Gawain ni Jesus sa Galilea(F)
14 Bumalik sa Galilea si Jesus taglay ang kapangyarihan ng Espiritu Santo. Napabalita sa mga karatig-bayan ang tungkol sa kanya. 15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga at hinangaan siya ng lahat.
Hindi Tinanggap si Jesus sa Nazaret(G)
16 Pumunta si Jesus sa Nazaret, ang bayan kung saan siya lumaki. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang Araw ng Pamamahinga. Tumayo siya upang bumasa ng kasulatan, 17 at ibinigay sa kanya ang aklat ni Propeta Isaias. Binuksan niya ito sa dakong kinasusulatan ng ganito:
18 “Ang(H) Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin,
sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.
Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya,
at sa mga bulag na sila'y makakakita.
Isinugo ako upang palayain ang mga inaapi,
19 at upang ipahayag ang panahon
ng pagliligtas ng Panginoon.”
20 Inirolyo niya ang kasulatan, isinauli sa tagapag-ingat at siya'y naupo. Nakatitig sa kanya ang lahat ng nasa sinagoga, 21 at sinabi niya sa kanila, “Ang kasulatang ito na inyong narinig ay natupad ngayon.”
22 Pinuri siya ng lahat, at humanga sila sa kanyang napakahusay na pananalita. “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” tanong nila.
23 Kaya't sinabi ni Jesus, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang kasabihang ito, ‘Manggagamot, gamutin mo muna ang iyong sarili!’ Marahil, sasabihin pa ninyo, ‘Gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.’ 24 Tandaan(I) ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. 25 Ngunit(J) sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. 26 Subalit(K) hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. 27 Sa(L) dinami-dami ng mga may ketong[b] sa Israel noong panahon ni Eliseo, wala ni isa mang pinagaling at nilinis maliban kay Naaman, na isang taga-Siria.”
28 Nagalit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. 29 Nagsitayo sila at itinaboy siyang palabas papunta sa gilid ng bundok na kinatatayuan ng bayan upang ihulog siya sa bangin. 30 Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.
Ang Lalaking Sinasaniban ng Masamang Espiritu(M)
31 Mula roon, si Jesus ay nagpunta sa Capernaum sa Galilea at nagturo sa mga tao nang Araw ng Pamamahinga. 32 Namangha(N) sila sa kanyang pagtuturo sapagkat may kapangyarihan ang kanyang pananalita. 33 May isang lalaki noon sa sinagoga na sinasapian ng masamang espiritu. Sumigaw ito nang malakas, 34 “Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos.”
35 Subalit sinaway siya ni Jesus, “Tumahimik ka! Lumabas ka sa taong iyan!” At nang mailugmok ang lalaki sa kanilang kalagitnaan, lumabas ang demonyo sa kanya nang hindi siya sinasaktan.
36 Namangha ang lahat ng nakasaksi kaya't nasabi nila sa isa't isa, “Ano ito? Makapangyarihan at mabisa ang kanyang salita! Nauutusan niyang lumayas ang masasamang espiritu, at lumalayas naman sila!” 37 At kumalat ang balita tungkol kay Jesus sa buong lupaing iyon.
Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao(O)
38 Si Jesus ay umalis sa sinagoga at nagpunta sa bahay ni Simon. Nagkataong ang biyenan ni Simon ay may mataas na lagnat kaya't nakiusap sila kay Jesus na ito'y pagalingin. 39 Tumayo si Jesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na mawala ang lagnat, at ito'y nawala nga. Kaagad namang tumayo ang babae at naglingkod sa kanila.
40 Pagkalubog ng araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng mga kasamahan nilang maysakit, anuman ang karamdaman ng mga ito. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa bawat isa, at silang lahat ay gumaling. 41 Lumabas sa marami ang mga demonyo, na sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Jesus at hindi pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila na siya ang Cristo.
Nangaral si Jesus sa Judea(P)
42 Nang mag-uumaga na, umalis si Jesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag muna siyang umalis. 43 Subalit sinabi niya, “Dapat ko ring ipangaral sa ibang mga bayan ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, sapagkat ito ang dahilan kaya ako isinugo.” 44 At nagpatuloy siya ng pangangaral sa mga sinagoga sa buong Judea.
Footnotes
- Lucas 4:4 kundi sa bawat…ng Diyos: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
- Lucas 4:27 KETONG: Ang salitang ito ay tumutukoy sa maraming uri ng sakit sa balat.
路加福音 4
Chinese New Version (Simplified)
耶稣受试探(A)
4 耶稣被圣灵充满,从约旦河回来,圣灵引他到旷野, 2 四十天受魔鬼的试探。那些日子他甚么也没有吃,日子满了他就饿了。 3 魔鬼对他说:“你若是 神的儿子,就吩咐这块石头变成食物吧!” 4 耶稣回答:“经上记着:
‘人活着不是单靠食物。’”
5 魔鬼引他上到高处,霎时间把天下万国指给他看, 6 对他说:“这一切权柄、荣华,我都可以给你;因为这些都交给了我,我愿意给谁就给谁。 7 所以,只要你在我面前拜一拜,这一切就全是你的了。” 8 耶稣回答:“经上记着:
‘当拜主你的 神,
单要事奉他。’”
9 魔鬼又引他到耶路撒冷,叫他站在殿的最高处,对他说:“你若是 神的儿子,就从这里跳下去吧! 10 因为经上记着:
‘他为了你,会吩咐自己的使者保护你。’
11 又记着:
‘用手托住你,
免得你的脚碰到石头。’”
12 耶稣回答:“经上说:‘不可试探主你的 神。’” 13 魔鬼用尽了各种试探,就暂时离开了耶稣。
在加利利传道(B)
14 耶稣带着圣灵的能力,回到加利利。他的名声传遍了周围各地。 15 他在各会堂里教导人,很受众人的尊崇。
在本乡遭人厌弃(C)
16 耶稣来到拿撒勒自己长大的地方,照着习惯在安息日进入会堂,站起来要读经。 17 有人把以赛亚先知的书递给他,他展开书卷找到一处,上面写着:
18 “主的灵在我身上,
因为他膏我去传福音给贫穷的人,
差遣我去宣告被掳的得释放,
瞎眼的得看见,
受压制的得自由,
19 又宣告主悦纳人的禧年。”
20 他把书卷卷好,交还侍役,就坐下。会堂里众人都注视他。 21 他就对他们说:“这段经文今天应验在你们中间(“中间”原文作“耳中”)了。” 22 众人称赞他,希奇他口中所出的恩言,并且说:“这不是约瑟的儿子吗?” 23 他说:“你们必向我说这俗语:‘医生,治好你自己吧!’也必说:‘我们听见你在迦百农所行的一切事,也该在你本乡这里行啊!’” 24 他又说:“我实在告诉你们,没有先知在他本乡是受欢迎的。 25 我对你们说实话,当以利亚的时候,三年六个月不下雨(“不下雨”原文作“天闭塞”),遍地大起饥荒,那时以色列中有许多寡妇, 26 以利亚没有奉差遣往他们中间任何一个那里去,只到西顿撒勒法的一个寡妇那里。 27 以利沙先知的时候,以色列中有许多患痲风的人,其中除了叙利亚的乃缦,没有一个得洁净的。” 28 会堂里的众人听见这话,都怒气填胸, 29 起来赶他出城(这城原来建在山上),他们拉他到山崖,要把他推下去。 30 耶稣却从他们中间走过,就离去了。
在迦百农赶出污灵(D)
31 耶稣下到加利利的迦百农城,在安息日教导人。 32 他们对他的教训都很惊奇,因为他的话带着权柄。 33 会堂里有一个被污鬼附着的人,大声喊叫: 34 “哎!拿撒勒人耶稣,我们跟你有甚么关系呢?你来毁灭我们吗?我知道你是谁,你是 神的圣者。” 35 耶稣斥责他说:“住口!从他身上出来!”鬼把那人摔倒在众人中间,就从他身上出来了,没有伤害他。 36 众人都惊骇,彼此谈论说:“这是怎么回事?他用权柄能力吩咐污灵,污灵竟出来了。” 37 耶稣的名声,传遍了周围各地。
治好患病的人(E)
38 他起身离开会堂,进入西门的家。西门的岳母正在发高热,他们为她求耶稣。 39 耶稣站在她旁边,斥责那热病,热就退了;她立刻起身服事他们。 40 日落的时候,不论害甚么病的人,都被带到耶稣那里;他一一为他们按手,医好他们。 41 又有鬼从好些人身上出来,喊着说:“你是 神的儿子。”耶稣斥责他们,不许他们说话,因为他们知道他是基督。
往别的城传道(F)
42 天一亮,耶稣出来,到旷野地方去。众人寻找他,一直找到他那里,要留住他,不要他离开他们。 43 他却说:“我也必须到别的城去传 神国的福音,因为我是为了这缘故奉差遣的。” 44 于是他往犹太的各会堂去传道。
Lucas 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tinukso si Jesus(A)
4 Bumalik mula sa Jordan si Jesus na puspos ng Banal na Espiritu. Dinala siya ng Espiritu sa ilang 2 at doon ay apatnapung araw siyang tinukso ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa mga araw na iyon kaya't nagutom siya makalipas ang mga ito. 3 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.” 4 Ngunit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ ” 5 Dinala siya ng diyablo sa mataas na lugar at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa sanlibutan. 6 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang karapatan sa lahat ng ito at ang kaluwalhatian nila sapagkat ipinagkaloob na ito sa akin. Maibibigay ko ito kanino ko man ibigin. 7 Kaya't kung sasambahin mo ako, magiging iyo na ang lahat ng ito.” 8 Sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat,
‘Ang Panginoon mong Diyos ang sambahin mo
at siya lamang ang iyong paglingkuran.’ ”
9 Dinala siya ng diyablo sa Jerusalem at inilagay sa tuktok ng templo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon kang pababa mula rito; 10 sapagkat nasusulat,
‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na alagaan ka.
11 At aalalayan ka nila,
nang hindi tumama sa bato ang iyong paa.’ ”
12 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus, “Sinasabi rin, ‘Huwag mong subukan ang Panginoon mong Diyos.’ ”
13 At matapos ang lahat ng pagsubok, nilayuan siya ng diyablo at naghintay ito ng ibang pagkakataon.
Ang Pasimula ng Gawain sa Galilea(B)
14 Bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu at sa buong lupain ay kumalat ang balita tungkol sa kanya. 15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga taglay ang papuri ng lahat.
Ang Pagtataboy kay Jesus(C)
16 Dumating siya sa Nazareth na kanyang nilakhan. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang araw ng Sabbath at tumindig upang magbasa. 17 Iniabot sa kanya ang aklat ng propetang si Isaias at pagkabukas dito ay natunghayan niya ang dako kung saan nasusulat,
18 “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha.
Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag ang paglaya
at sa mga bulag na sila'y makakita
upang bigyang-laya ang mga inaapi,
19 at ipahayag ang pinapagpalang taon ng Panginoon.”
20 Inirolyo ni Jesus at isinauli ang aklat sa tagapaglingkod, at siya'y naupo. At ang mga mata ng lahat ng sinagoga ay nakatitig sa kanya. 21 Sinimulan niyang sabihin sa kanila, “Sa araw na ito ay natupad ang kasulatang inyong narinig.” 22 Pinuri siya ng lahat at namangha sila sa mapagpalang salita na sinabi niya. Sinabi nila, “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” 23 Sinabi niya sa kanila, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito, ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili. Gawin mo rin dito sa iyong bayang tinubuan ang mga narinig naming nangyari sa Capernaum.’ ” 24 Sinabi niya, “Tandaan ninyo ang sinasabi ko: walang propetang kinikilala sa kanyang bayang tinubuan. 25 Ngunit ang totoo, maraming balong babae sa Israel noong panahon ni Elias, nang tatlong taon at anim na buwang hindi umulan na nagsanhi ng taggutom sa buong lupain. 26 Ngunit hindi isinugo si Elias sa isa man sa kanila kundi sa isang balong babae sa Zarefta sa lupain ng Sidon. 27 Marami rin namang ketongin sa Israel noong panahon ng propetang si Eliseo ngunit walang pinagaling sa kanila maliban kay Naaman na taga-Syria.” 28 Pagkarinig dito, nagngitngit sa galit ang lahat ng nasa sinagoga. 29 Nagtindigan sila at itinaboy siya papalabas ng bayan at dinala siya sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan upang ihulog siya roon. 30 Ngunit siya ay dumaan lamang sa kalagitnaan nila at umalis.
Isang Taong may Maruming Espiritu(D)
31 Bumaba siya patungong Capernaum na isang bayan ng Galilea. Doon ay nagturo siya sa kanila sa araw ng Sabbath. 32 Namangha sila sa kanyang pagtuturo sapagkat may kapangyarihan ang kanyang mga sinasabi. 33 May isang lalaki sa sinagoga na sinasaniban ng espiritu ng karumal-dumal na demonyo. Sumigaw ito nang malakas, 34 “Ah! Jesus na taga-Nazareth, ano'ng pakialam mo sa amin? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka—ang Banal ng Diyos.” 35 Subalit sinaway siya ni Jesus na nagsabing, “Tumahimik ka at lumabas ka sa kanya.” At ang lalaki'y inilugmok ng demonyo sa harapan ng lahat at lumabas ito sa kanya na hindi sinaktan. 36 At namangha silang lahat at sinabi sa isa't isa, “Pambihirang katuruan ito! Sapagkat inuutusan niya ng may awtoridad at kapangyarihan ang maruruming espiritu at sila ay lumalabas.” 37 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa lahat ng dako ng lupain.
Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao(E)
38 Nilisan ni Jesus ang sinagoga at pumasok sa bahay ni Simon. Noon ay inaapoy sa lagnat ang biyenang babae ni Simon at nakiusap sila kay Jesus para sa kanya. 39 At tumayo si Jesus sa tabi nito, pinatigil niya ang lagnat at nawala nga ito. Kaya't pagtayo ng babae, agad itong naglingkod sa kanila. 40 Nang palubog na ang araw, dinala sa kanya ng lahat ang kani-kanilang may mga sari-saring karamdaman. At pagkapatong ng kanyang mga kamay sa bawat isa ay pinagaling sila. 41 Sa marami ay lumayas din ang mga demonyo na pasigaw na nagsasabing, “Ikaw ang Anak ng Diyos.” Ngunit sinaway niya ang mga ito at pinagbawalang magsalita sapagkat kilala nila na siya ang Cristo.
Nangaral si Jesus sa mga Sinagoga(F)
42 Kinaumagahan, nagtungo si Jesus sa ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao. Lumapit sila sa kanya at pinipigilan siyang lumayo sa kanila. 43 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kailangan ko ring ipangaral sa ibang bayan ang mabuting balita tungkol sa paghahari ng Diyos sapagkat isinugo ako para rito.” 44 At siya ay nangaral sa mga sinagoga ng Judea.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.