Add parallel Print Page Options

36 Namangha ang mga tao at sinabi nila sa isaʼt isa, “Anong uri ang ipinangangaral niyang ito? May kapangyarihan at kakayahan siyang magpalayas ng masasamang espiritu, at sumusunod sila!” 37 Kaya kumalat ang balita tungkol kay Jesus sa buong lupaing iyon.

Maraming Pinagaling si Jesus(A)

38 Umalis si Jesus sa sambahan ng mga Judio at pumunta sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni Simon. Kaya nakiusap sila kay Jesus na pagalingin ito.

Read full chapter

36 At namangha silang lahat at sinabi sa isa't isa, “Pambihirang katuruan ito! Sapagkat inuutusan niya ng may awtoridad at kapangyarihan ang maruruming espiritu at sila ay lumalabas.” 37 Kaya't kumalat ang balita tungkol sa kanya sa lahat ng dako ng lupain.

Pinagaling ni Jesus ang Maraming Tao(A)

38 Nilisan ni Jesus ang sinagoga at pumasok sa bahay ni Simon. Noon ay inaapoy sa lagnat ang biyenang babae ni Simon at nakiusap sila kay Jesus para sa kanya.

Read full chapter