Add parallel Print Page Options

33 May isang lalaki sa sinagoga na sinasaniban ng espiritu ng karumal-dumal na demonyo. Sumigaw ito nang malakas, 34 “Ah! Jesus na taga-Nazareth, ano'ng pakialam mo sa amin? Naparito ka ba upang puksain kami? Alam ko kung sino ka—ang Banal ng Diyos.” 35 Subalit sinaway siya ni Jesus na nagsabing, “Tumahimik ka at lumabas ka sa kanya.” At ang lalaki'y inilugmok ng demonyo sa harapan ng lahat at lumabas ito sa kanya na hindi sinaktan.

Read full chapter