Lucas 4:24-26
Magandang Balita Biblia
24 Tandaan(A) ninyo, walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. 25 Ngunit(B) sinasabi ko sa inyo, maraming biyuda sa Israel noong panahon ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlo't kalahating taon at nagkaroon ng taggutom sa buong lupain. 26 Subalit(C) hindi pinapunta si Elias sa kaninuman sa kanila, kundi sa isang biyuda sa Sarepta, sa lupain ng Sidon.
Read full chapter
Lucas 4:24-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 Sinabi niya, “Tandaan ninyo ang sinasabi ko: walang propetang kinikilala sa kanyang bayang tinubuan. 25 Ngunit ang totoo, maraming balong babae sa Israel noong panahon ni Elias, nang tatlong taon at anim na buwang hindi umulan na nagsanhi ng taggutom sa buong lupain. 26 Ngunit hindi isinugo si Elias sa isa man sa kanila kundi sa isang balong babae sa Zarefta sa lupain ng Sidon.
Read full chapter
Lucas 4:24-26
Ang Biblia (1978)
24 At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, (A)Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa.
25 Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng (B)tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;
26 At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi (C)sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
