Add parallel Print Page Options

17 Iniabot sa kanya ang aklat ng propetang si Isaias at pagkabukas dito ay natunghayan niya ang dako kung saan nasusulat,

18 “Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon,
    sapagkat hinirang niya ako upang ipangaral ang mabuting balita sa mga dukha.
Isinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag ang paglaya
    at sa mga bulag na sila'y makakita
upang bigyang-laya ang mga inaapi,
19     at ipahayag ang pinapagpalang taon ng Panginoon.”

Read full chapter