Lucas 4:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain.
15 At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila, na niluluwalhati ng lahat.
16 At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.
Read full chapter
Lucas 4:14-16
Ang Salita ng Diyos
Si Jesus ay Tinanggihan ng mga Taga-Nazaret
14 Si Jesus ay bumalik sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu. Kumalat sa buong lupain ang balita patungkol sa kaniya.
15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga na niluluwalhati ng lahat.
16 Siya ay pumunta sa Nazaret, ang lugar na kinalakihan niya. Ayon sa kaniyang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat. Siya ay tumayo upang bumasa.
Read full chapter
Lucas 4:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pasimula ng Gawain sa Galilea(A)
14 Bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu at sa buong lupain ay kumalat ang balita tungkol sa kanya. 15 Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga taglay ang papuri ng lahat.
Ang Pagtataboy kay Jesus(B)
16 Dumating siya sa Nazareth na kanyang nilakhan. Gaya ng kanyang nakaugalian, pumasok siya sa sinagoga nang araw ng Sabbath at tumindig upang magbasa.
Read full chapter
Luke 4:14-16
King James Version
14 And Jesus returned in the power of the Spirit into Galilee: and there went out a fame of him through all the region round about.
15 And he taught in their synagogues, being glorified of all.
16 And he came to Nazareth, where he had been brought up: and, as his custom was, he went into the synagogue on the sabbath day, and stood up for to read.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
