Add parallel Print Page Options

Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni Tiberio Cesar, na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea si Herodes, at ang kaniyang kapatid na si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,

Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote si Anas at si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay Juan, anak ni Zacarias, sa ilang.

At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;

Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;

At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.

Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, Ano ngang dapat namin gawin?

11 At sinagot niya at sinabi sa kanila, Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.

12 At dumating naman ang mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?

13 At sinabi niya sa kanila, Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.

14 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.

15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo;

16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;

19 Datapuwa't si Herodes na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21 Nangyari nga, nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

23 At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,

24 Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,

25 Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,

26 Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,

27 Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,

28 Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,

29 Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,

30 Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,

31 Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David,

32 Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason,

33 Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,

34 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor,

35 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,

36 Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec,

37 Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,

38 Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios.

Nang ikalabinglimang taon nga ng paghahari ni (A)Tiberio Cesar, (B)na noo'y gobernador sa Judea si Poncio Pilato, at tetrarka sa Galilea (C)si Herodes, at ang kaniyang kapatid na (D)si Felipe ay tetrarka sa lalawigan ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ay tetrarka sa Abilinia,

Nang kasalukuyang mga pangulong saserdote (E)si Anas at (F)si Caifas, ay dumating ang salita ng Dios kay (G)Juan, anak ni Zacarias, sa (H)ilang.

At siya'y napasa buong lupain sa palibotlibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi (I)sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan;

Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias,

(J)Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Lahat ng libis ay tatambakan,
At pababain ang bawa't bundok at burol;
At ang liko ay matutuwid,
At ang mga daang bakobako ay mangapapatag;
At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Dios.

Sinasabi nga niya sa mga karamihang nagsisilabas upang mangagpabautismo sa kaniya, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagudyok upang tumakas sa galit na darating?

Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi, at huwag mangagpasimulang mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang siya naming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na makapagpapabangon ang Dios ng mga anak ni Abraham maging sa mga batong ito.

At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na di nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa apoy.

10 At tinanong siya ng karamihan, na nangagsasabi, (K)Ano ngang dapat namin gawin?

11 At sinagot niya at sinabi sa kanila, (L)Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala; at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.

12 At dumating naman ang (M)mga maniningil ng buwis upang mangagpabautismo, at sinabi nila sa kaniya, Guro, anong dapat naming gawin?

13 At sinabi niya sa kanila, (N)Huwag na kayong sumingil pa ng higit kay sa utos sa inyo.

14 At tinanong naman siya ng mga kawal, na nangagsasabi, At kami, anong dapat naming gawin? At sa kanila'y sinabi niya, Huwag kayong kumuhang may karahasan sa kanino man, ni mangagparatang; at mangagkasiya kayo sa bayad sa inyo.

15 At samantalang ang mga tao'y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, (O)kung siya kaya ang Cristo;

16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng (P)panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy:

17 Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, upang linising lubos ang kaniyang giikan, at tipunin ang trigo sa kaniyang bangan; datapuwa't susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.

18 Sa mga iba pang maraming pangaral ay ipinangangaral nga niya sa bayan ang mabuting balita;

19 Datapuwa't si Herodes (Q)na tetrarka, palibhasa'y pinagwikaan niya dahil kay Herodias, na asawa ng kaniyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20 Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.

21 Nangyari nga, (R)nang mabautismuhan ang buong bayan, na si Jesus ay binautismuhan naman, at (S)nang nananalangin, ay nabuksan ang langit,

22 At bumaba sa kaniya ang Espiritu Santo na may anyong katawan, tulad sa isang kalapati, at nanggaling ang isang tinig sa langit, Ikaw ang sinisinta kong Anak; sa iyo ako lubos na nalulugod.

23 At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo (T)ay may gulang na tatlongpung taon, na (U)anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli,

24 Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose,

25 Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,

26 Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda,

27 Ni Joana, ni Resa, ni (V)Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri,

28 Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er,

29 Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi,

30 Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim,

31 Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni (W)Natan, ni (X)David,

32 Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason,

33 Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda,

34 Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni (Y)Tare, ni Nacor,

35 Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah,

36 Ni (Z)Cainan, ni Arfaxjad, ni (AA)Sem, ni Noe, ni Lamec,

37 Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,

38 Ni Enos, ni Set, ni (AB)Adam, ng Dios.

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar, si Poncio Pilato ang gobernador sa Judea, at tetrarka[a] sa Galilea si Herodes. Ang kanyang kapatid na si Felipe ang tetrarka sa lupain ng Iturea at Traconite, at si Lisanias ang tetrarka sa Abilinia,

Sa panahon ng mga pinakapunong pari na sina Anas at Caifas, dumating ang salita ng Diyos kay Juan, na anak ni Zacarias, sa ilang.

Siya'y nagtungo sa buong lupain sa palibot ng Jordan, na ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan.

Gaya(B) ng nasusulat sa aklat ng mga salita ni propeta Isaias,

“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon,
    tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
Bawat libis ay matatambakan,
    at bawat bundok at burol ay papatagin,
at ang liko ay tutuwirin,
    at ang mga baku-bakong daan ay papantayin.
At makikita ng lahat ng laman ang pagliligtas ng Diyos.’”

Kaya't(C) sinabi ni Juan[b] sa napakaraming tao na dumating upang magpabautismo sa kanya, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na darating?

Kaya't(D) mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi at huwag ninyong sabihin sa inyong sarili, ‘Si Abraham ang aming ama.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na magagawa ng Diyos na magbangon mula sa mga batong ito ng magiging anak ni Abraham.

Ngayon(E) pa lamang ay nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punungkahoy. Kaya't ang bawat punungkahoy na di mabuti ang bunga ay pinuputol at itinatapon sa apoy.”

10 Tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang dapat naming gawin?”

11 Sumagot siya sa kanila, “Ang may dalawang tunika ay magbahagi sa wala, at ang may pagkain ay gayundin ang gawin.”

12 Dumating(F) din ang mga maniningil ng buwis upang magpabautismo at sinabi nila sa kanya, “Guro, ano ang dapat naming gawin?”

13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag na kayong sumingil pa ng higit kaysa iniutos sa inyo.”

14 Tinanong din siya ng mga kawal, “At kami, anong dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ng salapi kaninuman sa pamamagitan ng dahas o maling paratang at masiyahan kayo sa inyong sahod.”

15 Samantalang ang mga tao'y naghihintay, nagtatanong ang lahat sa kanilang mga puso tungkol kay Juan, kung siya ang Cristo.

16 Sumagot si Juan at sinabi sa kanilang lahat, “Binabautismuhan ko kayo ng tubig. Subalit dumarating ang higit na makapangyarihan kaysa akin. Ako'y hindi karapat-dapat magkalag ng panali ng kanyang mga sandalyas. Kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy.

17 Nasa kamay niya ang kanyang kalaykay upang linisin ang kanyang giikan at tipunin ang trigo sa kanyang kamalig, subalit susunugin niya ang dayami sa apoy na hindi mapapatay.”

18 Kaya't sa iba pang maraming pangaral ay ipinahayag niya sa mga tao ang magandang balita.

19 Subalit(G) si Herodes na tetrarka, na sinumbatan niya dahil kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid, at dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Herodes,

20 ay nagdagdag pa sa lahat ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapakulong kay Juan sa bilangguan.

Binautismuhan si Jesus(H)

21 Nang mabautismuhan ang buong bayan, at nang mabautismuhan din si Jesus at siya'y nananalangin, ang langit ay nabuksan.

22 At(I) bumaba sa kanya ang Espiritu Santo na may anyong katawan na tulad sa isang kalapati. May isang tinig na nagmula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong Anak, sa iyo ako lubos na nalulugod.”

Ang mga Ninuno ni Jesus(J)

23 Si Jesus ay may gulang na tatlumpung taon nang magsimula sa kanyang gawain. Anak siya (ayon sa ipinalagay) ni Jose, ni Eli,

24 ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Janai, ni Jose,

25 ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nagai,

26 ni Maat, ni Matatias, ni Semein, ni Josec, ni Joda,

27 ni Joanan, ni Resa, ni Zerubabel, ni Salatiel, ni Neri,

28 ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmadam, ni Er,

29 ni Josue, ni Eliezer, ni Jorim, ni Matat, ni Levi,

30 ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonam, ni Eliakim,

31 ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David,

32 ni Jesse, ni Obed, ni Boaz, ni Salmon, ni Naason,

33 ni Aminadab, ni Admin, ni Arni, ni Hesrom, ni Perez, ni Juda,

34 ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Terah, ni Nahor,

35 ni Serug, ni Reu, ni Peleg, ni Eber, ni Sala,

36 ni Cainan, ni Arfaxad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec,

37 ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan,

38 ni Enos, ni Set, ni Adan, ng Diyos.

Footnotes

  1. Lucas 3:1 TETRARKA: Tingnan sa Talaan ng mga Salita.
  2. Lucas 3:7 Sa Griyego ay niya .

Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)

Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio, habang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes ang pinuno[a] ng Galilea, si Felipe na kanyang kapatid ang pinuno ng Iturea at Traconite, at si Lysanias naman ang pinuno ng Abilinia; at sina Anas at Caifas naman ang mga Kataas-taasang Pari, dumating ang salita ng Diyos sa anak ni Zacarias na si Juan na nasa ilang. Tinungo niya ang buong lupain sa palibot ng Jordan upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan. Gaya ng nasusulat sa aklat ni propetang si Isaias,

“Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang,
‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,
    tuwirin ninyo ang kanyang mga landas.
Tatambakan ang bawat lambak,
    at papatagin ang bawat bundok at burol.
Itutuwid ang likong daan,
    at papatagin ang daang lubak-lubak.
At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”

Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot? Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham. Ngayon pa man ay nakaamba na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Pinuputol ang bawat punongkahoy na hindi nagbubunga ng mabuti at itinatapon sa apoy.” 10 Kaya't tinanong siya ng maraming tao, “Ano ngayon ang kailangan naming gawin?” 11 At pagsagot ay sinabi niya sa kanila, “Ang may dalawang damit panloob ay bigyan ang wala at ang may pagkain ay gayon din ang gawin.” 12 May mga nagdatingan ding mga maniningil ng buwis na magpapabautismo na nagsabi sa kanya, “Guro, ano ang nararapat naming gawin?” 13 Sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong sumingil nang labis sa ipinag-uutos sa inyo.” 14 Nagtanong din sa kanya ang mga kawal, “At kami naman, ano naman ang dapat naming gawin?” At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mangikil ni magbintang nang mali. Makuntento kayo sa inyong sinasahod.” 15 Dahil sa pananabik ng mga tao, nagtatanungan sila kung si Juan na nga ba ang Cristo. 16 Sinagot silang lahat ni Juan, “Binabautismuhan ko nga kayo sa tubig, ngunit may darating na higit na makapangyarihan kaysa akin. Hindi ako karapat-dapat na magkalag man lang ng kanyang sandalyas. Siya ang magbabautismo sa inyo sa Banal na Espiritu at apoy. 17 Nasa kanyang kamay ang kalaykay upang linisin nang husto ang kanyang giikan at tipunin ang trigo sa kanyang kamalig; subalit ang ipa ay kanyang susunugin sa apoy na hindi maaápula.” 18 Kaya nga't ipinangaral niya ang marami at iba't ibang bagay sa paghahayag ng mabuting balita. 19 Subalit si Herodes na pinuno, dahil siya'y napagsabihan ni Juan tungkol kay Herodias na asawa ng kanyang kapatid at tungkol sa lahat ng mga masasamang ginawa ni Herodes, 20 idinagdag pa sa lahat ng ito nang ipinakulong niya si Juan sa bilangguan.

Binautismuhan si Jesus(B)

21 Nang mabautismuhan na ang lahat ng tao, binautismuhan din si Jesus. Habang siya ay nananalangin, nabuksan ang langit 22 at bumaba sa kanya ang Banal na Espiritu sa anyo ng isang kalapati. Sinabi ng isang tinig mula sa langit, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak. Sa iyo ako lubos na nalulugod.”

Ang mga Ninuno ni Jesus(C)

23 Si Jesus ay magtatatlumpung taong gulang nang magsimula sa kanyang gawain. Siya ay anak ni Jose, tulad ng akala ng marami. Si Jose ay anak naman ni Eli, 24 na anak ni Matat, na anak ni Levi, na anak ni Melqui, na anak ni Janai, na anak ni Jose, 25 na anak ni Matatias, na anak ni Amos, na anak ni Nahum, na anak ni Esli, na anak ni Nagai, 26 na anak ni Maat, na anak ni Matatias, na anak ni Semein, na anak ni Josec, na anak ni Joda, 27 na anak ni Joanan, na anak ni Resa, na anak ni Zerubabel, na anak ni Salatiel, na anak ni Neri, 28 na anak ni Melqui, na anak ni Adi, na anak ni Cosam, na anak ni Elmadam, na anak ni Er, 29 na anak ni Josue, na anak ni Eliezer, na anak ni Jorim, na anak ni Matat, na anak ni Levi, 30 na anak ni Simeon, na anak ni Juda, na anak ni Jose, na anak ni Jonam, na anak ni Eliakim, 31 na anak ni Melea, na anak ni Mena, na anak ni Matata, na anak ni Natan, na anak ni David, 32 na anak ni Jesse, na anak ni Obed, na anak ni Boaz, na anak ni Salmon, na anak ni Naason, 33 na anak ni Aminadab, na anak ni Admin, na anak ni Arni, na anak ni Hesrom, na anak ni Perez, na anak ni Juda, 34 na anak ni Jacob, na anak ni Isaac, na anak ni Abraham, na anak ni Terah, na anak ni Nahor, 35 na anak ni Serug, na anak ni Reu, na anak ni Peleg, na anak ni Eber, na anak ni Sala, 36 na anak ni Cainan, na anak ni Arfaxad, na anak ni Sem, na anak ni Noe, na anak ni Lamec, 37 na anak ni Matusalem, na anak ni Enoc, na anak ni Jared, na anak ni Mahalaleel, na anak ni Cainan, 38 na anak ni Enos, na anak ni Set, na anak ni Adan, na anak ng Diyos.

Footnotes

  1. Lucas 3:1 Sa Griyego, tetrarka.