Lucas 3:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Dios.’ ”[a]
7 Maraming tao ang pumunta kay Juan para magpabautismo. Sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ahas! Sino ang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Dios? 8 Kung tunay na nagsisisi kayo sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo ito sa inyong mga gawa. Huwag ninyong isipin na hindi kayo mapaparusahan dahil mula kayo sa lahi ni Abraham. Sapagkat tandaan ninyo: kahit ang mga batong itoʼy magagawa ng Dios na maging mga anak ni Abraham.
Read full chapterFootnotes
- 3:6 Isa. 40:3-5.
Lucas 3:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.’ ”
7 Sinabi ni Juan sa maraming mga taong nagdatingan upang magpabautismo sa kanya, “Mga anak ng ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na poot? 8 Kaya mamunga kayo ng mga bungang karapat-dapat sa pagsisisi. Huwag ninyong sabihin sa isa't isa, ‘Ama namin si Abraham.’ Sinasabi ko sa inyo na mula sa mga batong ito ay kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham.
Read full chapter
Luke 3:6-8
New International Version
7 John said to the crowds coming out to be baptized by him, “You brood of vipers!(B) Who warned you to flee from the coming wrath?(C) 8 Produce fruit in keeping with repentance. And do not begin to say to yourselves, ‘We have Abraham as our father.’(D) For I tell you that out of these stones God can raise up children for Abraham.
Footnotes
- Luke 3:6 Isaiah 40:3-5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.