Font Size
Lucas 3:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 3:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pangangaral ni Juan na Tagapagbautismo(A)
3 Nang ikalabinlimang taon ng paghahari ni Emperador Tiberio, habang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, si Herodes ang pinuno[a] ng Galilea, si Felipe na kanyang kapatid ang pinuno ng Iturea at Traconite, at si Lysanias naman ang pinuno ng Abilinia; 2 at sina Anas at Caifas naman ang mga Kataas-taasang Pari, dumating ang salita ng Diyos sa anak ni Zacarias na si Juan na nasa ilang. 3 Tinungo niya ang buong lupain sa palibot ng Jordan upang ipangaral ang bautismo ng pagsisisi para sa kapatawaran ng kasalanan.
Read full chapterFootnotes
- Lucas 3:1 Sa Griyego, tetrarka.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.