Add parallel Print Page Options

Ipinako nila sa Krus si Jesus

26 Sa pagdala nila kay Jesus, kinuha nila ang isang nagngangalang Simon na taga-Cerene na galing sa bukid. Ipinatong nila sa kaniya ang krus upang pasanin niya na nakasunod kay Jesus.

27 Sumusunod kay Jesus ang napakaraming tao. At mga babae ay tumatangis din at nanaghoy sa kaniya. 28 Lumingon si Jesus sa kanila. Sinabi niya: Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag kayong umiyak dahil sa akin. Iyakan ninyo ang inyong mga sarili at inyong mga anak.

Read full chapter