Add parallel Print Page Options

46 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso.”

Ang Pagdakip kay Jesus(A)

47 Nagsasalita pa si Jesus nang dumating ang maraming tao. Pinangungunahan ang mga ito ng taong tinatawag na Judas, isa sa Labindalawa. Lumapit ito kay Jesus upang siya'y hagkan. 48 Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, “Judas, sa pamamagitan ba ng isang halik ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng Tao?”

Read full chapter