Print Page Options

37 Sapagkat(A) sinasabi ko sa inyo na ang kasulatang ito ay kailangang matupad sa akin, ‘At ibinilang siya sa mga suwail’; sapagkat ang nasusulat tungkol sa akin ay natutupad.”

38 At sinabi nila, “Panginoon, tingnan ninyo, narito ang dalawang tabak.” Sinabi naman niya sa kanila, “Tama na iyan.”

Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo(B)

39 At siya'y lumabas at pumaroon, gaya ng kanyang nakaugalian, sa bundok ng mga Olibo at sumunod naman sa kanya ang mga alagad.

Read full chapter

37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may katuparan.

38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.

39 At siya'y lumabas, at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

Read full chapter

37 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat, (A)At ibinilang siya sa mga suwail: sapagka't ang nauukol sa akin ay may (B)katuparan.

38 At sinabi nila, Panginoon, narito ang dalawang tabak. At sinabi niya sa kanila, Sukat na.

39 At siya'y lumabas, (C)at pumaroon, ayon sa kaniyang kaugalian, sa bundok ng mga Olivo; at nagsisunod naman sa kaniya ang mga alagad.

Read full chapter

37 Nasusulat:

At siya ay ibinilang sa mga walang kinikilalang kautusan ng Diyos.

Sinasabi ko sa inyo: Ang nasusulat na ito ay kailangan pang maganap sa akin sapagkat ang mga bagay patungkol sa akin ay magaganap na.

38 Sinabi ng mga alagad: Panginoon. Narito, may dalawang tabak dito.

Sinabi niya sa kanila:Sapat na iyan.

Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo

39 Umalis si Jesus at ayon sa kaniyang kinaugalian ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. Sumunod sa kaniya ang mga alagad niya.

Read full chapter

37 Sapagkat sinasabi ko sa inyo, ang bahaging ito ng Kasulatan ay kailangang matupad sa akin, ‘Ibinilang siya sa mga salarin.’ Natutupad na nga ang nasusulat tungkol sa akin.” 38 At sinabi ng mga alagad, “Panginoon, narito ang dalawang tabak.” Sumagot siya, “Tama na!”

Nanalangin si Jesus sa Bundok ng mga Olibo(A)

39 Gaya ng kanyang nakaugalian, lumabas si Jesus at nagpunta sa Bundok ng mga Olibo; sumunod naman sa kanya ang mga alagad.

Read full chapter