Add parallel Print Page Options

23 Kaysaklap ng sasapitin ng mga nagdadalang-tao at nagpapasuso sa mga araw na iyon. Magkakaroon ng matinding pagdurusa sa lupain at poot laban sa bayang ito. 24 Mamamatay ang ilan sa pamamagitan ng patalim at ang iba'y dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa; at yuyurakan ng mga Hentil ang Jerusalem hanggang matupad ang mga panahon ng mga Hentil.”

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

25 “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. At sa lupa, mababagabag ang mga bansa at ikalilito nila ang ugong at daluyong ng dagat.

Read full chapter