Lucas 20
Magandang Balita Biblia
Pag-aalinlangan sa Kapangyarihan ni Jesus(A)
20 Isang araw, habang si Jesus ay nagtuturo sa loob ng Templo at nangangaral ng Magandang Balita, nilapitan siya ng mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan, kasama ang mga pinuno ng bayan. 2 Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo nga sa amin kung ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng ganyang karapatan?”
3 Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko muna kayo. Sabihin ninyo sa akin kung 4 kanino galing ang karapatan ni Juan na magbautismo, sa Diyos ba o sa tao?”
5 Kaya't nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating sa Diyos, sasabihin naman niya sa atin, ‘Bakit hindi kayo naniwala sa kanya?’ 6 Subalit kung sasabihin naman nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao dahil naniniwala silang propeta si Juan.” 7 Kaya't ang sagot na lamang nila'y, “Hindi namin alam!”
8 Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung gayon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagbigay sa akin ng karapatan upang gawin ang mga ito.”
Ang Talinghaga ng Ubasan at sa mga Magsasaka(B)
9 Pagkatapos, isinalaysay(C) ni Jesus sa mga tao ang talinghagang ito. “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pinaupahan niya iyon sa mga magsasaka at siya'y nangibang-bayan sa loob ng mahabang panahon. 10 Nang dumating ang panahon ng pitasan ng ubas, pinapunta niya sa mga magsasaka ang isa niyang alipin upang kunin ang kanyang bahagi. Ngunit binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinauwing walang dala. 11 Nagsugo siyang muli ng isa pang alipin at ito rin ay binugbog, hinamak at pinauwing walang dala. 12 Nagsugo pa siya ng ikatlo, subalit sinugatan din ito at ipinagtabuyan. 13 Napag-isip-isip ng may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang mabuti kong gawin? Mabuti pa'y papuntahin ko ang minamahal kong anak. Tiyak na siya'y igagalang nila.’ 14 Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, nag-usap-usap sila at sinabi, ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’ 15 Siya'y inihagis nila sa labas ng ubasan at pinatay.
“Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan?” tanong ni Jesus. 16 “Pupunta siya roon at papatayin ang mga magsasakang iyon, at ipapaupa niya sa iba ang ubasan.”
Pagkarinig nito, sinabi ng mga tao, “Huwag nawa itong mangyari!” 17 Tiningnan(D) sila ni Jesus at tinanong, “Kung gayon, ano ang kahulugan ng nasusulat na ito,
‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
ang siyang naging batong-panulukan’?
18 Ang bumagsak sa batong ito ay magkakadurug-durog at ang mabagsakan nito'y magkakaluray-luray.”
Tungkol sa Pagbabayad ng Buwis(E)
19 Tinangka ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga punong pari na dakpin si Jesus sa oras ding iyon sapagkat nahalata nilang sila ang tinutukoy niya sa talinghaga, ngunit natakot sila sa mga tao. 20 Kaya't naghintay sila ng magandang pagkakataon. Sinuhulan nila ang ilang katao upang magkunwaring tapat na naghahanap ng katotohanan. Ginawa nila ito upang siluin si Jesus sa kanyang pananalita, at nang sa gayon ay mapasailalim siya sa karapatan at kapangyarihan ng gobernador. 21 Sinabi ng mga espiya kay Jesus, “Guro, alam po naming totoo ang inyong sinasabi at itinuturo. Hindi kayo nagtatangi ng tao, kundi itinuturo ninyo nang buong katotohanan ang ibig ng Diyos na gawin ng tao. 22 Dapat po ba tayong magbayad ng buwis sa Emperador, o hindi?”
23 Alam ni Jesus ang kanilang masamang balak kaya't sinabi niya, 24 “Iabot ninyo sa akin ang isang salaping pilak. Kanino ang larawan at ang pangalang nakaukit dito?”
“Sa Emperador po,” tugon nila.
25 Sinabi naman ni Jesus, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Emperador ang para sa Emperador, at sa Diyos ang para sa Diyos.”
26 Nabigo sa harap ng madla ang hangarin nilang masilo siya sa kanyang pananalita. At hindi sila nakaimik dahil sa pagkamangha sa kanyang sagot.
Katanungan tungkol sa Muling Pagkabuhay(F)
27 Ilang(G) Saduseo naman ang lumapit kay Jesus. Ang mga ito ay nagtuturong walang muling pagkabuhay ng mga patay. 28 Sabi(H) nila, “Guro, isinulat ni Moises para sa atin ang batas na ito, ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid ng lalaki'y dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila para sa namatay.’ 29 Mayroong pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. 30 Nagpakasal sa biyuda ang pangalawa, subalit ito'y namatay ding walang anak. 31 Ganoon din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito. At silang lahat ay namatay na walang anak. 32 Sa kahuli-hulihan, namatay naman ang babae. 33 Ngayon, sa muling pagkabuhay, sino sa pito ang kikilalaning asawa ng babae, yamang silang lahat ay napangasawa niya?”
34 Sumagot si Jesus, “Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae ay nag-aasawa. 35 Ngunit ang mga lalaki't babaing karapat-dapat na mapasama sa muling pagkabuhay ay hindi na mag-aasawa. 36 Hindi na rin sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. Sila'y mga anak ng Diyos dahil sila'y napabilang sa mga muling binuhay. 37 Maging(I) si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa salaysay tungkol sa nagliliyab na mababang puno, ang Panginoon ay tinawag niyang ‘Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.’ 38 Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buháy, sa kanya'y nabubuhay ang lahat.”
39 Sinabi ng ilan sa mga tagapagturo ng Kautusan, “Guro, maganda ang sagot ninyo!” 40 At mula noon ay wala nang naglakas-loob na magtanong sa kanya.
Katanungan tungkol sa “Anak ni David”(J)
41 Si Jesus naman ang nagtanong sa kanila, “Paano nasasabi ng mga tao na ang Cristo ay anak ni David? 42 Si(K)(L) David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit,
‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa kanan ko,
43 hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’
44 Ngayon, kung ‘Panginoon’ ang tawag ni David sa Cristo, bakit sinasabi ng mga tao na siya'y anak ni David?”
Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan(M)
45 Habang nakikinig ang lahat kay Jesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, 46 “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig lumakad nang may mahahabang kasuotan at gustung-gustong batiin sa mga pamilihan. Mahilig silang umupo sa mga pangunahing upuan sa mga sinagoga at sa mga upuang pandangal sa mga handaan. 47 Inuubos nila ang kabuhayan ng mga biyuda, at ginagamit ang kanilang mahahabang dasal bilang pakitang-tao. Dahil diyan, lalo pang bibigat ang parusa sa kanila.”
路加福音 20
Chinese Contemporary Bible (Traditional)
質問耶穌的權柄
20 有一天,耶穌正在聖殿裡教導人、傳講福音,祭司長、律法教師和長老上前, 2 質問祂:「告訴我們,你憑什麼權柄做這些事?誰授權給你了?」
3 耶穌回答說:「我也問你們一個問題。你們告訴我, 4 約翰的洗禮是從天上來的還是從人來的?」
5 他們彼此議論說:「如果我們說『是從天上來的』,祂一定會問,『那你們為什麼不相信他?』 6 如果我們說『是從人來的』,百姓會拿石頭打死我們,因為他們相信約翰是先知。」 7 於是,他們回答說:「我們不知道約翰的洗禮是從哪裡來的。」
8 耶穌說:「我也不告訴你們我憑什麼權柄做這些事。」
利慾薰心的佃戶
9 接著耶穌對眾人講了個比喻:「有人開墾了一個葡萄園,把園子租給幾個佃戶,就出遠門了。 10 到了收穫的季節,他差奴僕去葡萄園向佃戶收取他應得的收成,但那些佃戶卻把奴僕揍了一頓,使他空手而歸。 11 園主又派另一個奴僕去,那些佃戶照樣將他毆打並羞辱一番,使他空手而歸。 12 園主又派第三個奴僕去,他們又把他打傷,拋在園外。
13 「園主說,『我該怎樣辦呢?不如叫我所疼愛的兒子去吧。他們大概會尊敬他。』
14 「豈料那些佃戶看見來人是園主的兒子,便彼此商量說,『這個人是產業繼承人,我們把他殺掉,這葡萄園就歸我們了!』 15 於是他們把園主的兒子拖到葡萄園外殺了。
「那麼,園主會怎樣處治他們呢? 16 他必來殺掉這些佃戶,把葡萄園轉租給別人。」
眾人聽了就說:「但願這種事永遠不會發生!」
17 耶穌定睛看著他們,問道:「那麼,聖經上說,
『工匠丟棄的石頭已成了房角石』,
這句話是什麼意思呢? 18 凡跌在這石頭上的人,將粉身碎骨;這石頭落在誰身上,將把誰砸爛。」
納稅問題
19 律法教師和祭司長聽出這比喻是針對他們說的,便想立刻下手捉拿耶穌,但又害怕百姓。 20 於是,他們密切地監視耶穌,又派遣密探假裝好人,想從祂的話裡找把柄抓祂去見總督。
21 那些密探問耶穌:「老師,我們知道你所講所傳的道都是正確的,也知道你不看人的情面,只按真理傳上帝的道。 22 那麼,我們向凱撒納稅對不對呢?」
23 耶穌看破他們的陰謀, 24 就叫他們拿一個銀幣來,問他們:「上面刻的是誰的像和名號?」他們說:「凱撒的。」
25 耶穌說:「屬於凱撒的,要給凱撒;屬於上帝的,要給上帝。」
26 耶穌的回答令他們驚奇,他們無法當眾找到把柄,只好閉口不言。
論死人復活
27 撒督該人向來不相信有復活的事。有幾個這一派的人來問耶穌: 28 「老師,按摩西為我們寫的律例,如果有人娶妻後沒有孩子就死了,他的兄弟應當娶嫂嫂,替哥哥傳宗接代。 29 有弟兄七人,老大結了婚,沒有孩子就死了。 30 二弟、 31 三弟、一直到七弟都相繼娶了嫂嫂,都沒有留下孩子就死了。 32 最後那個女人也死了。 33 那麼,到復活的時候,她將是誰的妻子呢?因為七個人都娶過她。」
34 耶穌說:「今世的人才有嫁娶, 35 但那些配得將來的世界、從死裡復活的人也不娶也不嫁, 36 就像天使一樣永遠不會死。他們既然從死裡復活,就是上帝的兒女。 37 在記載關於燃燒的荊棘的篇章中,摩西也證實死人會復活,因為他稱主是『亞伯拉罕的上帝,以撒的上帝,雅各的上帝』。 38 上帝不是死人的上帝,而是活人的上帝。因為在祂那裡的人都是活人。」
39 幾位律法教師說:「老師答得好!」 40 此後,再沒有人敢問耶穌問題了。
論基督
41 耶穌問他們:「人怎麼說基督是大衛的後裔呢? 42 大衛曾在詩篇裡說,
『主對我主說,
你坐在我的右邊,
43 等我使你的仇敵成為你的腳凳。』
44 既然大衛稱基督為主,基督又怎麼會是大衛的後裔呢?」
45 大家正在細聽,耶穌對門徒說: 46 「你們要提防律法教師。他們愛穿著長袍招搖過市,喜歡人們在大街上問候他們,又喜歡會堂裡的上座和宴席中的首位。 47 他們侵吞寡婦的財產,還假意做冗長的禱告。這種人必受到更嚴厲的懲罰!」
Lucas 20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tinanong ang Karapatan ni Jesus(A)
20 Isang araw, habang nagtuturo si Jesus sa mga tao sa templo at nangangaral ng ebanghelyo, lumapit sa kanya ang mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan kasama ang matatandang pinuno ng bayan. 2 Sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin kung ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” 3 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Mayroon din akong itatanong sa inyo. Sagutin ninyo ako: 4 Saan nagmula ang karapatan ni Juan na magbautismo, sa langit ba o sa tao?” 5 Kaya't sila'y nag-usap-usap. “Kung sasabihin nating, ‘Mula sa langit,’ sasabihin niyang, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniniwalaan?’ 6 Ngunit kung sasabihin naman nating, ‘Mula sa tao,’ babatuhin tayo ng taong-bayan, sapagkat naniniwala silang si Juan ay propeta.” 7 Kaya't isinagot nilang hindi nila alam kung saan nagmula. 8 At sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang karapatan kong gumawa ng mga ito.”
Ang Talinghaga ng mga Magsasaka sa Ubasan(B)
9 At sinimulan niyang isalaysay ang talinghagang ito sa mga taong-bayan: “Isang tao ang nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Ipinagkatiwala niya iyon sa mga magsasaka at siya ay nangibang-bayan nang mahabang panahon. 10 Nang panahon na ng anihan, nagsugo siya ng alipin sa mga katiwala upang mabigyan siya ng parte niya mula sa ubasan. Ngunit binugbog ng mga katiwala ang kanyang sugo at pinauwing walang dala. 11 Muli siyang nagsugo ng isang alipin; ngunit ito man ay binugbog, hinamak, at pinauwing walang dala. 12 Ipinadala niya ang ikatlong sugo, ngunit kahit ito'y kanilang sinugatan at ipinagtabuyan. 13 Kaya't sinabi ng may-ari ng ubasan, ‘Ano ang gagawin ko? Isusugo ko ang aking mahal na anak. Baka naman siya'y igalang na nila.’ 14 Ngunit nang makita na ng mga katiwala ang anak ng may-ari, nag-usap-usap sila, at sinabi, ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’ 15 At inilabas nila sa ubasan ang anak at doon pinatay. Ano kaya ang gagawin sa kanila ng may-ari ng ubasan? 16 Pupunta siya doon at papatayin ang mga katiwalang ito, at ibibigay ang ubasan sa iba.” Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Huwag nawang loobin iyan ng Diyos!” 17 Tinitigan sila ni Jesus at tinanong, “Kung gayon, ano ang kahulugan nito na nasusulat:
‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo
ang siyang naging batong-panulukan’?
18 Ang bawat mahulog sa batong ito ay magkakadurug-durog, at dudurugin nito ang sinumang kanyang mabagsakan.” 19 Nang mahalata ng mga tagapagturo ng Kautusan at mga punong pari na sila ang pinatatamaan ng talinghagang iyon, tinangka nilang dakpin si Jesus, ngunit hindi nila nagawa dahil takót sila sa mga tao.
Pagbabayad ng Buwis sa Emperador(C)
20 Kaya minatyagan nila si Jesus at sila'y nagsugo ng mga espiya upang magkunwaring matatapat, nang sa gayo'y mahuli siya sa kanyang sasabihin at madala siya sa pamamahala at kapangyarihan ng gobernador. 21 Nagtanong ang mga espiya kay Jesus, “Guro, alam naming ikaw ay nagsasabi at nagtuturo nang tama at wala kang pinapanigang tao, sa halip ay itinuturo mo ang daan ng Diyos ayon sa katotohanan. 22 Nararapat po bang magbayad ng buwis sa Emperador o hindi?” 23 Ngunit batid niya ang kanilang katusuhan kaya't sinabi niya sa kanila, 24 “Ipakita ninyo sa akin ang isang denaryo. Kaninong larawan at pangalan ang narito?” At sinabi nila, “Sa Emperador.” 25 Kaya't sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay sa Emperador ang sa Emperador at sa Diyos ang sa Diyos.” 26 At hindi nila nagawang hulihin siya sa kanyang sinabi sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kanyang mga sagot at sila'y tumahimik.
Ang Muling Pagkabuhay ng mga Patay(D)
27 Lumapit kay Jesus ang ilang Saduceo, ang mga hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Siya'y kanilang tinanong, 28 na nagsasabi, “Guro, isinulat sa atin ni Moises na kung namatay ang lalaking kapatid ng isang lalaki, at ang asawa nito'y naiwang walang anak, dapat na pakasalan ng lalaking naiwan ang asawa nito upang mabigyan ng anak ang kanyang namatay na kapatid. 29 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. 30 Ang ikalawa 31 at ang ikatlo hanggang ikapito ay pinakasalan ang balo ngunit lahat ay namatay na walang iniwang anak. 32 Sa huli ay namatay na rin ang babae. 33 Sa muling pagkabuhay, sino sa kanila ang magiging asawa ng babae? Sapagkat ang pito ay naging asawa niya.” 34 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang mga tao sa kapanahunang ito ay nag-aasawa o pinag-aasawa. 35 Subalit ang mga karapat-dapat makabahagi sa kapanahunang iyon at sa muling pagkabuhay ay hindi mag-aasawa at pag-aasawahin. 36 Hindi na sila mamamatay, sapagkat para na silang mga anghel. Sila ay mga anak na ng Diyos at mga bunga ng muling pagkabuhay. 37 Ang muling pagkabuhay ng mga patay ay pinatunayan mismo ni Moises, sa kwento tungkol sa nagliliyab na mababang puno, nang tawagin niya ang Panginoon na ‘Diyos ni Abraham, at Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ 38 Siya ay Diyos hindi ng mga patay kundi ng mga buháy sapagkat nabubuhay ang lahat sa kanya.” 39 Ilan sa mga tagapagturo ng Kautusan ang nagsabi, “Guro, magaling ang iyong isinagot.” 40 Kaya, hindi na sila nangahas magtanong pa sa kanya ng kahit ano.
Ang Tanong tungkol sa Anak ni David(E)
41 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Paano nila nasasabing ang Cristo ay anak ni David? 42 Gayong si David mismo ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit,
‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
“Maupo ka sa aking kanan,
43 hanggang sa magawa kong tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.” ’
44 Tinawag siya ni David na Panginoon. Paano siya naging anak ni David?”
Ang Babala tungkol sa mga Tagapagturo ng Kautusan(F)
45 Habang nakikinig ang lahat ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 46 “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig maglakad na suot ang mahabang damit at gustung-gusto nilang pagpugayan sila sa mga pamilihan. Gustung-gusto rin nila ang mga pangunahing upuan sa sinagoga at mga upuang pandangal sa mga piging. 47 Kinakamkam nila ang mga tahanan ng mga babaing balo at kunwari'y nananalangin nang mahahaba. Mas matinding parusa ang tatanggapin ng mga taong iyan.”
Luke 20
New International Version
The Authority of Jesus Questioned(A)
20 One day as Jesus was teaching the people in the temple courts(B) and proclaiming the good news,(C) the chief priests and the teachers of the law, together with the elders, came up to him. 2 “Tell us by what authority you are doing these things,” they said. “Who gave you this authority?”(D)
3 He replied, “I will also ask you a question. Tell me: 4 John’s baptism(E)—was it from heaven, or of human origin?”
5 They discussed it among themselves and said, “If we say, ‘From heaven,’ he will ask, ‘Why didn’t you believe him?’ 6 But if we say, ‘Of human origin,’ all the people(F) will stone us, because they are persuaded that John was a prophet.”(G)
7 So they answered, “We don’t know where it was from.”
8 Jesus said, “Neither will I tell you by what authority I am doing these things.”
The Parable of the Tenants(H)
9 He went on to tell the people this parable: “A man planted a vineyard,(I) rented it to some farmers and went away for a long time.(J) 10 At harvest time he sent a servant to the tenants so they would give him some of the fruit of the vineyard. But the tenants beat him and sent him away empty-handed. 11 He sent another servant, but that one also they beat and treated shamefully and sent away empty-handed. 12 He sent still a third, and they wounded him and threw him out.
13 “Then the owner of the vineyard said, ‘What shall I do? I will send my son, whom I love;(K) perhaps they will respect him.’
14 “But when the tenants saw him, they talked the matter over. ‘This is the heir,’ they said. ‘Let’s kill him, and the inheritance will be ours.’ 15 So they threw him out of the vineyard and killed him.
“What then will the owner of the vineyard do to them? 16 He will come and kill those tenants(L) and give the vineyard to others.”
When the people heard this, they said, “God forbid!”
17 Jesus looked directly at them and asked, “Then what is the meaning of that which is written:
18 Everyone who falls on that stone will be broken to pieces; anyone on whom it falls will be crushed.”(N)
19 The teachers of the law and the chief priests looked for a way to arrest him(O) immediately, because they knew he had spoken this parable against them. But they were afraid of the people.(P)
Paying Taxes to Caesar(Q)
20 Keeping a close watch on him, they sent spies, who pretended to be sincere. They hoped to catch Jesus in something he said,(R) so that they might hand him over to the power and authority of the governor.(S) 21 So the spies questioned him: “Teacher, we know that you speak and teach what is right, and that you do not show partiality but teach the way of God in accordance with the truth.(T) 22 Is it right for us to pay taxes to Caesar or not?”
23 He saw through their duplicity and said to them, 24 “Show me a denarius. Whose image and inscription are on it?”
“Caesar’s,” they replied.
25 He said to them, “Then give back to Caesar what is Caesar’s,(U) and to God what is God’s.”
26 They were unable to trap him in what he had said there in public. And astonished by his answer, they became silent.
The Resurrection and Marriage(V)
27 Some of the Sadducees,(W) who say there is no resurrection,(X) came to Jesus with a question. 28 “Teacher,” they said, “Moses wrote for us that if a man’s brother dies and leaves a wife but no children, the man must marry the widow and raise up offspring for his brother.(Y) 29 Now there were seven brothers. The first one married a woman and died childless. 30 The second 31 and then the third married her, and in the same way the seven died, leaving no children. 32 Finally, the woman died too. 33 Now then, at the resurrection whose wife will she be, since the seven were married to her?”
34 Jesus replied, “The people of this age marry and are given in marriage. 35 But those who are considered worthy of taking part in the age to come(Z) and in the resurrection from the dead will neither marry nor be given in marriage, 36 and they can no longer die; for they are like the angels. They are God’s children,(AA) since they are children of the resurrection. 37 But in the account of the burning bush, even Moses showed that the dead rise, for he calls the Lord ‘the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob.’[b](AB) 38 He is not the God of the dead, but of the living, for to him all are alive.”
39 Some of the teachers of the law responded, “Well said, teacher!” 40 And no one dared to ask him any more questions.(AC)
Whose Son Is the Messiah?(AD)
41 Then Jesus said to them, “Why is it said that the Messiah is the son of David?(AE) 42 David himself declares in the Book of Psalms:
“‘The Lord said to my Lord:
“Sit at my right hand
43 until I make your enemies
a footstool for your feet.”’[c](AF)
44 David calls him ‘Lord.’ How then can he be his son?”
Warning Against the Teachers of the Law
45 While all the people were listening, Jesus said to his disciples, 46 “Beware of the teachers of the law. They like to walk around in flowing robes and love to be greeted with respect in the marketplaces and have the most important seats in the synagogues and the places of honor at banquets.(AG) 47 They devour widows’ houses and for a show make lengthy prayers. These men will be punished most severely.”
Footnotes
- Luke 20:17 Psalm 118:22
- Luke 20:37 Exodus 3:6
- Luke 20:43 Psalm 110:1
Luke 20
King James Version
20 And it came to pass, that on one of those days, as he taught the people in the temple, and preached the gospel, the chief priests and the scribes came upon him with the elders,
2 And spake unto him, saying, Tell us, by what authority doest thou these things? or who is he that gave thee this authority?
3 And he answered and said unto them, I will also ask you one thing; and answer me:
4 The baptism of John, was it from heaven, or of men?
5 And they reasoned with themselves, saying, If we shall say, From heaven; he will say, Why then believed ye him not?
6 But and if we say, Of men; all the people will stone us: for they be persuaded that John was a prophet.
7 And they answered, that they could not tell whence it was.
8 And Jesus said unto them, Neither tell I you by what authority I do these things.
9 Then began he to speak to the people this parable; A certain man planted a vineyard, and let it forth to husbandmen, and went into a far country for a long time.
10 And at the season he sent a servant to the husbandmen, that they should give him of the fruit of the vineyard: but the husbandmen beat him, and sent him away empty.
11 And again he sent another servant: and they beat him also, and entreated him shamefully, and sent him away empty.
12 And again he sent a third: and they wounded him also, and cast him out.
13 Then said the lord of the vineyard, What shall I do? I will send my beloved son: it may be they will reverence him when they see him.
14 But when the husbandmen saw him, they reasoned among themselves, saying, This is the heir: come, let us kill him, that the inheritance may be ours.
15 So they cast him out of the vineyard, and killed him. What therefore shall the lord of the vineyard do unto them?
16 He shall come and destroy these husbandmen, and shall give the vineyard to others. And when they heard it, they said, God forbid.
17 And he beheld them, and said, What is this then that is written, The stone which the builders rejected, the same is become the head of the corner?
18 Whosoever shall fall upon that stone shall be broken; but on whomsoever it shall fall, it will grind him to powder.
19 And the chief priests and the scribes the same hour sought to lay hands on him; and they feared the people: for they perceived that he had spoken this parable against them.
20 And they watched him, and sent forth spies, which should feign themselves just men, that they might take hold of his words, that so they might deliver him unto the power and authority of the governor.
21 And they asked him, saying, Master, we know that thou sayest and teachest rightly, neither acceptest thou the person of any, but teachest the way of God truly:
22 Is it lawful for us to give tribute unto Caesar, or no?
23 But he perceived their craftiness, and said unto them, Why tempt ye me?
24 Shew me a penny. Whose image and superscription hath it? They answered and said, Caesar's.
25 And he said unto them, Render therefore unto Caesar the things which be Caesar's, and unto God the things which be God's.
26 And they could not take hold of his words before the people: and they marvelled at his answer, and held their peace.
27 Then came to him certain of the Sadducees, which deny that there is any resurrection; and they asked him,
28 Saying, Master, Moses wrote unto us, If any man's brother die, having a wife, and he die without children, that his brother should take his wife, and raise up seed unto his brother.
29 There were therefore seven brethren: and the first took a wife, and died without children.
30 And the second took her to wife, and he died childless.
31 And the third took her; and in like manner the seven also: and they left no children, and died.
32 Last of all the woman died also.
33 Therefore in the resurrection whose wife of them is she? for seven had her to wife.
34 And Jesus answering said unto them, The children of this world marry, and are given in marriage:
35 But they which shall be accounted worthy to obtain that world, and the resurrection from the dead, neither marry, nor are given in marriage:
36 Neither can they die any more: for they are equal unto the angels; and are the children of God, being the children of the resurrection.
37 Now that the dead are raised, even Moses shewed at the bush, when he calleth the Lord the God of Abraham, and the God of Isaac, and the God of Jacob.
38 For he is not a God of the dead, but of the living: for all live unto him.
39 Then certain of the scribes answering said, Master, thou hast well said.
40 And after that they durst not ask him any question at all.
41 And he said unto them, How say they that Christ is David's son?
42 And David himself saith in the book of Psalms, The Lord said unto my Lord, Sit thou on my right hand,
43 Till I make thine enemies thy footstool.
44 David therefore calleth him Lord, how is he then his son?
45 Then in the audience of all the people he said unto his disciples,
46 Beware of the scribes, which desire to walk in long robes, and love greetings in the markets, and the highest seats in the synagogues, and the chief rooms at feasts;
47 Which devour widows' houses, and for a shew make long prayers: the same shall receive greater damnation.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

